Manny Pacquiao, lumalabas ang pagkahilig sa chicks ‘pag lasing?! – Ruben Marasigan

ADVERTISING

Manny Pacquiao, lumalabas ang pagkahilig sa chicks ‘pag lasing?!  - Ruben Marasigan

SA TONO NG pananalita ni Kris Aquino, tila ang dami ngang nasabi sa kanya ni Jinkee Pacquiao hinggil sa pagkayanig ng relasyon nito at ng asawang si Manny Pacquiao dahil sa pagkaka-link ng huli kay Krista Ranillo. Aminado naman ang TV host-actress na naloloka nga raw siya dahil sa one hour and a half nilang pag-uusap, lahat ay puro off the record.

ADVERTISING

Kilala sa pagiging taklesa itong si Kris pero sa pagkakataong ito, napanindigan niya ang binitiwang pangako kay Jinkee na hindi niya ipangangalandakan in public ang mga rebelasyong sinabi sa kanya nito.

Naglambing pa nga raw siya kay Jinkee na bigyan naman siya ng ilang for the record na puwedeng mai-chika lalo na sa tagasubaybay ng showbiz-oriented show nila ni Boy Abunda na The Buzz at SNN. Pero dalawa lang ang naibahagi ni Kris.

Una ay ang paglilinaw ni Jinkee na totoong nagkita raw ito at si Krista sa isang outlet ng branded products sa U.S. Pero wala umanong kumprontasyon o patutsadahang nangyari gaya ng napapabalita.

ADVERTISING

Tiningnan lang daw nitong si Jinkee si Krista. Kahit iyon daw ang unang beses na nakita at nakaharap nito ang sexy actress na iniintrigang lihim na ka-affair nga diumano ngayon ng world boxing champ.

Ikalawang nai-share ni Kris tungkol sa mga nasabi ni Jinkee sa kanya, ang hangarin umano nitong maayos pa rin daw ang kung anumang problemang pinagdadaanan nila ng asawang si Manny.

‘Yon lang ang puwede raw maikuwento ni Kris. Pero sa expression ng kanyang mukha, tila kumpleto nga ang kaalaman niya sa isyu kina Jinkee, Manny, at Krista. Umaasa na lang daw siya na kapag ready nang isiwalat ng misis ni Pacman ang lahat, sa kanya ito unang magpapa-interview.

Hindi alam ni Kris na naka-scoop na ng exclusive interview kay Jinkee ang Showbiz Central na katapat ng The Buzz. Ang kaso, wala ang pasabog o mga rebelasyong inaasahang marinig ng viewers mula sa misis ni Manny.

Si Manny sa ilang naunang panayam sa kanya, wala ring kumento sa isyung nagli-link sa kanya kay Krista. Umaapela lang ito sa media na huwag nang pagdiskitahan pa ang personal na buhay niya. Na hindi naman pupuwedeng mangyari at kahit kailanman ay hindi mangyayari sa gaya niyang public property. Simple lang naman ‘yan.  Kung ayaw mong magkaroon ng usok, huwag kang gumawa ng apoy.

Anyway, hindi si Krista, hindi rin si Jinkee. Si Manny ang dapat nagsasalita tungkol sa isyu sa kanilang tatlo. Sabi ng marami, kung gaano siya ka-astig na sumagupa sa kanyang mga nakakalaban sa gitna ng boxing ring, dapat gano’n din daw siya sana katapang sa pagharap sa kontrobersiyang kanyang kinasasangkutan.

He cannot be silent about it. Because habang nananahimik siya, mas lalong nag-i-speculate ng kung anu-ano ang publiko. Aminin kung totoo, o i-deny niya kung talagang hindi true.

‘Yon lang at tapos na ang kuwento.

SPEAKING OF MANNY Pacquiao, may tsikang lumalabas daw ang pagiging mahilig nito sa chicks kapag lasing na. Isang actress-beauty queen kasi ang narinig naming nagkukuwento sa kaibigan niyang kilalang female celebrity rin hinggil sa naranasang pasimpleng pagporma raw sa kanya ng Pambansang Kamao.

Sa isang party raw nangyari iyon. Patingin-tingin daw umano sa kanya si Manny habang umiinom. Nang medyo lasing na raw, panay na ang ngiti at pa-beautiful eyes sa kanya.

Na-tense naman daw ang actress-beauty queen sa gano’ng drama ni Manny sa kanya. Natakot sa puwedeng maging reaksiyon ni Jinkee sa pagpi-flirt diumanong iyon sa kanya ni Manny.

Hindi na raw hinintay pa ng actress-beauty queen na makalapit at matsika-tsika siya ni Manny. She just left the party raw kaagad.

Biro naman ng kakuwentuhan niyang female celebrity friend, dapat hinayaan na lang niyang ligaw-ligawan na siya ni Manny. Kasi kahit hindi kaguwapuhan, bilyonaryo naman daw ito.

“Ewwww!” Reaksiyon ng actress-beauty queen. “Hindi ko siya type, ‘no? Care ko kung may bilyones siya!” Natawa pang sabi nito.

Kung sabagay, may katuwirang maging mataray sa kanyang standard pagdating sa lalaki ang actress-beauty queen na ito. Marami siyang manliligaw na bukod sa guwapo ay mayayaman pa. May mga sikat na aktor ding pumuporma sa kanya.

At lahat, single, huh! Walang sabit talaga. ‘Yun na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING