Manny Pacquiao, kailangan din ng nagkakaisang dasal ng mga Pilipino

Manny Pacquiao, kailangan din ng nagkakaisang dasal ng mga Pilipino

Manny-PacquiaoPAGKATAPOS NAGBUNYI ang mga kababayan natin sa ‘di pagtuloy sa pagbitay kay Mary Jane Veloso, ngayon naman ay inaabangan ang laban nina Floyd Mayweater at Manny Pacquiao.

Kahit lamang ang mga pumupusta kay Mayweather, dumarami naman ang pumupusta kay Pacman.

Hindi nga solid ang buong Amerika kay Mayweather dahil marami pa ring mga Kano ang kumakampi kay Manny.

Kaya nakate-tense at dito nakataya ang dasal ng lahat na magwagi ang ating Pambansang Kamao.

Napatunayan na natin ‘yan kay Mary Jane na nagsama-sama tayo sa pagdarasal, pinakinggan ng Diyos at binigay nga ang ating hiling. Sana rito sa laban nina Mayweather at Pacman, mangyayari ito at muli nating ipakita sa buong mundo na ‘pag nagkakaisa sa pagdarasal, matutupad ang hinihingi. Sana nga mangyari ito sa fight of the century nina Pacquiao at Mayweather.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis