Manny Pacquiao, ipinag-shopping si Krista Ranillo? – Alex Brosas

ADVERTISING

Manny Pacquiao, ipinag-shopping si Krista Ranillo? - Alex Brosas

Manny Pacquiao, ipinag-shopping si Krista Ranillo? - Alex BrosasLATELY, PILIT NA iniuugnay ang pangalan ni Krista Ranillo kay Manny Pacquiao. Kung anu-anong tsismis ang lumalabas tungkol sa kanila.

ADVERTISING

Ang nakikitang closeness nina Krista at Manny ay binibigyan ng kahulugan ng ibang taong nakakakita. Ang bawat galaw nila ay nabibigyan ng kakaibang kulay.

Katulad na lamang noong magkasama ang dalawa na namigay ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyong Ondoy sa Angono, Rizal. Nagtatanong ang marami, bakit tila napapadalas yata ang pagsasama nila sa isang okasyon.

Magkasama pala sina Krista at Manny sa Wapakman at nagpatulong lang ang champion boxer sa dalaga sa pamimigay ng relief goods. In fact, kasama pa nga ni Krista ang kanyang amang si Matt Ranillo III sa kanilang relief good operations.

ADVERTISING

Sa isang interview, inamin ni Krista na nakita nga niya si Manny sa isang mall noong nasa Hong Kong siya last month. Kasama ng dalaga ang kanyang hairstylist-friend noon. At nang pabalik na sila sa Maynila, nasa Business Class si Manny at siya naman at ang kanyang friend ay nasa Economy.

And when they got to Manila, nag-offer si Manny na isabay sila sa pagpunta sa birthday party ni Wilson Tieng sa Manila Polo Club. Pinagbigyan ito ni Krista at sumakay sila sa Hummer ng Pambansang Kamao. Siyempre, marami ang nagulat nang makita silang sabay na pumasok sa party.

Hindi naman affected si Krista sa tsismis sa kanila. Hindi raw siya guilty sa mga ibinabatong intriga sa kanya.

Lately, may tsikang nakita raw na pumasok si Krista sa isang mamahaling boutique sa Greenbelt  5. After a few minutes, bigla raw umapir sa boutique itong si Manny.  And the next scene, isinara raw ang mamahaling store para walang istorbo sa pagsa-shopping ng dalawa.

True ba ito, Krista?

I’m sure, dedeadmahin lang ito ng dalaga. Wanna bet?

NAGKABALIKAN NA NGA ba itong sina Ai-Ai delas Alas at Miguel Vera?

Ang tsika sa amin, sa bahay na raw ni Ai-Ai natutulog itong si Miguel, meaning, back in each other’s arms ang drama nila ng komedyante.

Matagal ding naghiwalay ang dalawang ito. Nagkaroon pa ng palitan ng mga maaanghang na salita noong kasagsagan ng kanilang hiwalayan. Sa tindi ng galit nila sa isa’t isa noon, walang mag-aakalang magkakabalikan pa sila.

May mga nakarelasyon si Ai-Ai matapos silang maghiwalay ni Miguel. Maging ang singer ay napaulat ding may dyowa na noon na isang babaeng nagtatrabaho sa isang bangko.

Hindi nagtagal ang lahat ng nakarelasyon ni Ai Ai. Maging ang dyowa niyang foreigner noon ay hindi rin nag-last.

Ang huling balita namin, si Ai-Ai na rin mismo ang nakipag-break sa dyowa niyang direktor.

Totoo nga kayang nagsasama na uli sina Ai-Ai at Miguel Vera? Kung true ito, naku, baka sabihin ng mga tao na Tanging Pamilya sila dahil pambihira talaga ang kanilang love story.

Kung nagkabalikan nga ang dalawa, well, siguro naman ay pangmatagalan na ito ngayon lalo pa’t hindi na naman sila bumabata at marami na rin naman silang pinagdaanan.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING