Manny Pacquiao, idedemanda!

ADVERTISING

Manny Pacquiao, idedemanda!

Manny Pacquiao, idedemanda!AWARE KAYA si Manny Pacquiao that there are disgruntled employees of his company, Pacquiao Group of Companies (PGOC), which are planning to sue him for labor dispute?

ADVERTISING

Yes, merong nagbabalak na magsampa ng kaso kay Pacquiao sa Department of Labor.

Meron daw kasing na-retrench na mga employee at sinabihan lang silang hindi kumikita ang kumpanya kaya kailangan silang tanggalin.

Imagine, these are regular employees na naloka na lang daw dahil bigla silang tinanggal.

ADVERTISING

‘Yung iba naman daw na regular employees na tsinugi ay binigyan ng offer ng PGOC na magtrabaho na lang sa boutique stores ni Manny pero casual lamang sila. Ang regular laman doon ay ang cashier.

Ito pa ang dapat sagutin ni Manny. Marami na raw casual employees sa boutique niya ang hindi napapasuwelduhan on time. Delayed daw ng three to five months ang suweldo nila. Dumadaan kasi sa agency ang kanilang salary and since hindi raw naibibigay sa oras ng PGOC ang suweldo ng mga ito ay ilang buwan pa ang binibilang bago mapasakanila ang kanilang suweldo.

Bukas ang pahinang ito sa anumang pahayag ni Manny. Baka naman kasi hindi siya aware sa mga nangyayari sa kanyang kumpanya dahil ang balita namin ay twice a year lang siyang pumupunta sa kanilang opisina sa Sampaloc, Manila.

Manny Pacquiao, idedemanda!

REWARD ANG tawag ni Yeng Constantino sa kanyang boyfriend na si Victor Asuncion.

“Sobrang nakakatuwa lang. Ito ‘yung reward of waiting. Worth it lahat ng iniiyak ko dati. ‘Lord, naiinip na ako, gusto ko nang magka-boyfriend.’ Ay, kaya pala ako pinaghihintay, kaya pala dahil merong one na makikita pala,” sabi ni Yeng sa launching niya as Samsung endorser.

Si Victor, 28, ay isang worship director na nakilala ni Yeng through a friend. Niligawan niya ang singer sa traditional na pamamaraan, as in pumupunta sa bahay.

Sinagot ng dalaga ang binata dahil “naramdaman kong secured ako sa kanya and that’s important.”

“Hindi lang basta kilig, kasi kinikilig naman ako before pero ngayon iba, eh. Alam mo ‘yung  joy? Iba ‘yun sa kilig, parang lagi kang happy,” sabi pa ng dalaga na obvious ang glow ng mga mata ngayon.

Yeng explained na isa siyang proud girlfriend kaya naman niya ishinare sa kanyang followers ang photo nila ni Victor through her Instagram account.

“I’m so proud, eh,” sabi  niya. “Ewan ko, pati ako naninibago sa sarili ko. Ang nakakatuwa sa kanya, hindi niya mina-mind ‘yung mga tao. Sobrang focus lang siya sa relationship namin. Sa akin naman, I really want to share ‘yung joy kasi alam naman nila kung gaano ako katagal na naghintay and finally ise-share ko ‘yung moment ko with someone.”

 

HALATANG NAIMBIYERNA si Benjie Paras sa hindi magandang comments sa dalawa niyang anak sa social networking sites.

Marami ang bumatikos sa anak niyang sina Andre at Kobe nang magsalita ang mga ito laban sa ina nilang si Jackie Forster sa Twitter.

Actually, ‘yung isang anak niya na nagsabing give them space ng kanilang ina at inaming na-trauma sila ay nakatikim din na batikos.

“Alam mo kasi ang social media para sa akin is to promote a product, a show or something. Maraming bobo rito, eh. Pasensiya na po, pero maraming matatalino, feeling matatalino na sumasawsaw,” walang kagatul-gatol na sabi ni Benjie na isa sa cast members ng Got To Believe.

“‘Yung mga anak ko ay matatanda na. Ang mga bata ay hindi mo puwedeng turuan ‘yan kung ano ‘yung sasabihin nila. Marunong na silang magsalita, me sarili na silang buhay, may sarili na silang pakiramdam. So, kung anuman ‘yung ginagawa nila ay sila ang magde-decide,” esplika ng komedyante.

Aminado si Benjie na merong showbiz offers ang kanyang anak.

“Sa akin lang, ‘yung panganay muna, kasi my second son is still in high school. So, ‘yung schedule niya is fixed, morning ‘til afternoon then may practice siya. ‘Yung college boy ko naman is more flexible ang schedule.”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING