Manny Pacquiao: Habang pinipigil, lalong nanggigigil! – Cristy Fermin

ADVERTISING

Manny Pacquiao: Habang pinipigil, lalong nanggigigil! - Cristy Fermin

Manny Pacquiao: Habang pinipigil, lalong nanggigigil! - Cristy FerminKAPAG PANSARILING INTERES na talaga ang nakataya, maraming bibig na gustong magsumigaw ang natatameme. Gusto mang mag-umalpas ng kanyang dila para marinig ng buong bayan ang kanyang emosyon ay wala siyang magawa. Meron kasi siyang inaalala. Nakahambalang nang katuwiran ang imahe, makakaltasan pa ang kanilang bulsa.

ADVERTISING

Sa ganu’ng paraan inilalarawan ng ilang impormante ang nagaganap ngayon sa isang sikat na pamilyang nabubugbog sa kontrobersiya. Totoo ang kuwento at gusto na sanang maglabas ng saloobin ng naaaping babae sa istorya, pero hindi niya ‘yun magawa dahil sa ilang mahahalagang bagay na kailangan niyang bigyan ng bigat.

Mabigat na mabigat nga ang kanyang kalooban ngayon dahil karapatan niya na bilang babae ang sangkot sa usapin. May karapatan siyang magsalita dahil siya naman ang umaangkin sa trono ng pagkareyna. Pero kailangan niyang magtikom ng bibig dahil ‘yun ang kailangan.

Sabi ng aming source, “’Yun ang mahirap kung minsan, ‘di ba? May karapatan ka namang magsalita, you have all the right to talk and say what you want, but you can’t do it, dahil marami kang masasagasaan.

ADVERTISING

“In her case, there’s the pressure on the image of somebody very dear to her. Meron din silang kontratang kailangan pahalagahan, or else, they will be forced to return whatever they got for a certain endorsement.

“Ganu’n din ang nangyayari noon sa mga relasyong on the rocks na. Alam na ng buong showbiz ang issue, pero nagde-deny pa rin ang mga taong involved.

“Kailangan muna kasi nilang manahimik, merong clause sa contract na pinirmahan nila na kapag may nangyaring gulo sa pamilya nila, ibabalik nila ang talent fee for endorsing the product na pampamilya ang story board na ginawa nila,” kuwento ng aming impormante.

In short, matapang ang babae, naduwag lang siyang magsalita para hindi masira ang imaheng iniingatan ng isang taong malapit sa kanyang puso.

At kasama na rin du’n siyempre ang iba pang mga bagay-bagay, tulad ng pera na ay magiging bato pa, kapag nag-ingay siya.

ANG SUNDALO RAW, habang nasusugatan ay lalong tumatapang. Isang magiting na sundalo sa gitna ng lona si Manny Pacquiao. Matindi siyang sumuntok, nakapagpapasarado ‘yun ng kahit mulagat na mga mata. Pamatay ang kanyang mga upak, nakakaawang tingnan ang mga pinadadapa niyang katunggali.

Sa usapin ng pulitika, ganu’n din siguro si Pacman. Habang nasusugatan siya ay lalo pa siyang tumatapang. Para siyang si Kulas na habang pinipigil ay lalong nagpupumiglas.

Sabi sa amin ng isang dating malapit na malapit sa Pambansang Kamao, pero ngayo’y hindi na ganu’n ka-close sa kanya, “Naku, kabisado ko na ang kartada ni Manny, kung ano ang gusto mo, ‘yun ang ayaw niya. Palagi siyang kontra-pelo. Kapag tinanong ka niya kung alin ang mas maganda sa dalawang bagay na hawak niya, ‘yung sinabi mong hindi maganda ang mas pipiliin niya.

“Sus naman! Sa tagal ba naman ng pinagsamahan namin, hindi ko pa siya makikilala? Kaya ‘yang pagpasok niya sa pulitika, mentras pinipigilan mo siya, ‘yun naman ang gagawin niya!

“Marami kasing pumipigil sa kanya para pumasok sa pulitika, e, pero subukan n’yo siyang ipagtulakan, du’n mo makikita na medyo mag-aalanganin na rin siya,” kuwento ng dating ka-close ni Pacman.

Sa larangan kaya ng pag-ibig ay ganu’n din si Manny? Mentras maraming kumokontra kay Krista Ranillo, lalo naman siyang nanggigigil?

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

ADVERTISING