Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, nagharap na

Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, nagharap na

Manny-Pacquaio-Floyd-MayweatherBONGGA TALAGA si Bernard Cloma, ha! Siya ang naka-scoop sa pagkikita nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather sa isang NBA game nu’ng kamakalawa lang.

Si Mayweather nga raw ang lumapit pa kay Manny para batiin ito. Nagkausap sandali, nagpalitan ng phone number at picture-picture.

Napabalita agad dito sa atin at bentang-benta ang mga kuha ni Bernard sa Instagram.

Ang sumunod na nabalitaan namin, pumunta pa raw si Mayweather sa hotel na tinutuluyan nina Manny at nagkausap pa sila. Ang sabi sa balita, pirmahan na lang daw ng kontrata ang kulang kaya tuloy na raw ang laban sa May ng taong ito.

Abangan na lang natin ‘yan.

Bukas sa Startalk, malalaman n’yo ang latest na kuwento ‘dyan kapag makausap namin si Manny Pacquiao.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis