Manny Pacquiao, ‘di pa rin iboboto ni Vice Ganda kahit humingi na ng paumanhin

ADVERTISING

Manny Pacquiao, ‘di pa rin iboboto ni Vice Ganda kahit humingi na ng paumanhinKahit humingi na ng paumanhin si Manny Pacquiao sa LGBT community, kaugnay ng pahayag niya na ‘mas masahol pa sa hayop’ ang mga pagsasama o pagpapakasal ng parehong sex, matigas pa rin si Vice Ganda sa desisyong hindi niya iboboto ang Pambansang Kamao na tumatakbong senador sa darating na eleksiyon.

Gayunman, tanggap naman ng “It’s Showtime” host ang paghingi ng paumanhin ni Manny Pacquiao.

ADVERTISING

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Vice Ganda na, “Manny said sorry. Apology accepted. But i will still not vote for him. Manny for boxing not for Senate. #Respect”

Naniniwala rin si Vice Ganda na walang karapatang manghusga si Manny sa pagkatao ninuman.

Ani Vice Ganda, “Patawarin nyo ko pero sa Diyos lang ako magpapahusga. Hindi sa boksingerong tumatakbo sa Senado na apat na beses lang pumasok sa Kongreso.”

ADVERTISING

By Parazzi Boy

ADVERTISING