Manny Pacquiao, binigyan ng hero’s welcome

Manny Pacquiao, binigyan ng hero’s welcome

Manny-PacquiaoMAINIT PA rin ang pagtanggap sa ating Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao na dumating nu’ng kamakalawa lang.

In fairness naman, kahit hindi naman siya nagwagi sa laban nila ni Mayweather, binigyan pa rin siya ng hero’s welcome.

Paniwala pa rin ng karamihan, si Pacman ang panalo, ha! Sabi nga niya, ilang beses daw niyang pinanood ang laban nila ni Mayweather, lamang siya ng 2 points. Kaya proud pa rin daw siya dahil hindi naman siya nabugbog nang husto.

Wala ngang ginawa si Mayweather kundi yakap lang nang yakap, ‘di ba?

Anyway, magpapagaling daw muna si Manny sa surgery ng kanang balikat niya. Balik muna siya sa trabaho niya sa Kongreso at sa mga constituents niya sa Saranggani.

Ang hinihingi ng karamihan, mag-rematch. Pero kung si Mommy Dionisia ang tatanungin mo, ayaw na niya talaga.

Sa totoo lang, panig talaga ako sa nararamdaman ni Mommy Dionisia na dapat magretiro na ang anak niya. Siyempre, mas alam n’ya ‘yun.

Kaya naintindihan ko talaga kung bakit nagwala siya nu’ng bago ang laban ni Manny dahil sa dami ng mga taong nakatambay du’n sa kuwarto ng anak niya.

Sa halip na magpahinga na si Manny, kailangan pa niyang harapin ang mga dumadalaw sa kanya para lang makahingi ng tickets at makibalato.

Pero pagkatapos ng laban, wala na ang karamihan. Hindi na kasindami ang nagtambay sa kuwarto niya.

Sa totoo lang, sina Dra. Vick Belo ang nagtiyagang magbantay kay Manny dahil hindi siya puwedeng matulog ng 9 hours pagkatapos ng laban.

Kaya naglaro raw ng chess si Manny habang hinihintay ang tape ng laban para panoorin nila.

Meron pa nga akong narinig na may ibang malapit kay Pacquiao, na pumusta raw kay Mayweather. Kaya kunwari lungkot-lungkutan sila nu’ng natalo si Pacman, pero wagi naman sa pustahan. Hay, naku!

Meron nga raw na kilalang celebrity na nanalo raw ng kalahating milyon piso dahil kay Mayweather siya pumusta. Naku, ha!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis