Manny Pacquiao at Krista Ranillo, nahuling magkasama!

Manny Pacquiao at Krista Ranillo, nahuling magkasama!Huling-huli on video camera ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao at Krista Ranillo (anak ng dating matinee idol na si Matt Ranillo III). Nakuhanan ng isang fan si Krista Ranillo na nakasakay sa front seat, katabi ng nagda-drive na si Manny. Naispatan sila matapos mag-guest ni Manny Pacquiao sa Jimmy Kimmel Live. Makikitang tinatakpan ng ‘mystery girl’ ang mukha niya habang umaandar papaalis ang kotse.

Eh ang tanong, bakit pa siya umupo sa harapan kung tatakpan lang din niya ang mukha niya? Isang matinding gimik ito para sa isang movie ha! Ano sa tingin niyo, mga kaparazzi?