MANNY PACQUIAO AT JINKEE PACQUIAO, GRABE KUNG MAGPATALO SA CASINO?!

ADVERTISING

MANNY PACQUIAO AT JINKEE PACQUIAO, GRABE KUNG MAGPATALO SA CASINO?!SA NANGYAYARING GIYERA sa Libya at Egypt, sa gulo sa Bahrain na nadadamay pati ang mga inosenteng OFWs natin, sa nasalantang Japan dulot ng tsunami, alam nating lahat na pagkatapos natin itong ma-witness at maranasan ng mga kababayan natin sa ibang bansa, we’re still blessed.

Kasi, pagkatapos ng lahat ng ito, they’re still alive. As in buhay na buhay kahit feeling devastated. Pero ang mga Pinoy ay kabibiliban mo.

ADVERTISING

Hindi nawawalan ng pag-asa. Lalo na ‘yung mga OFW na nagpapakahirap sa ibang bansa para lang may maipadala sa mga umaasang pamilya, hindi sila bibigay o magpapakamatay dahil lang sa nangyayari sa paligid.

Kaya tayong hindi naman naapektuhan nang labis at naapektuhan tayo dahil sa nangyayari sa ating kapwa, samahan na lang natin silang magdasal na sana, malampasan nila ang hagupit na ito sa kanilang buhay.

Ngayon, may problema ka sa pag-ibig? Nawalan ka ng trabaho? Hindi natuloy ‘yung business deal mo?

ADVERTISING

O, sige nga, magpalit kayo ng problema ng mga kababayan natin sa Japan, gusto mo?

Just count your bles-sings.

SANA NGA, HINDI totoo ‘yung narinig namin na nagpatalo si Manny Pacquiao ng P70M sa New Resorts World Casino in one sitting.

Sana, hindi rin totoo na nagpatalo naman ng 12 million HK dollars sa Macau si Manny at 1 million HK dollars naman si Jinkee.

Sa mga nangyayari ngayon sa ating bayan sa mga kababayan natin sa ibang bansang labis na naapektuhan ng mga trahedya, ang sarap siguro sa pakiramdam kung ido-donate ko ‘yung amount na ‘yon doon.

‘Yan ay kung ako ang nasa posisyon ng mag-asawa, ha?

Pero malay naman natin kung may gusto lang sumira sa mag-asawa. Dahil ang alam talaga namin, nagbago na si Manny. Hindi na siya nagsusugal at nagko-concentrate na lamang siya sa mga negosyo niya at sa pagtulong sa kanyang mga kababayan bilang siya ay Congressman ng Saranggani.

Alam din naman namin na kung totoo man ito ay ano ba ang pakialam natin? Pera ba natin ‘yon? Saka sa dami naman ng pera ni Pacman, can afford naman siya to enjoy gambling.

Kung magsugal man si Manny o sila ni Jinkee, at least, hindi nila ipinangutang ‘yon, pera nila ‘yon at never tayong nakarinig na nilustay ni Manny ang pondo niya bilang congressman.

Saka ang Pagcor naman natin, marami ring natutulungang kababayan sa kanilang pangangailangan, eh. So I’m sure, du’n sa P70M, ang dami na ring nakinabang na mahihirap, di ba?

Pero sana nga, hindi ito totoo, dahil kami mismong hindi naman namin pera ‘yon, nanghihinayang na kami, ‘no!

Pero at the end of the day, pera ba natin ‘yon?

MANNY PACQUIAO AT JINKEE PACQUIAO, GRABE KUNG MAGPATALO SA CASINO?!

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING