Manny Pacquiao at Chavit Singson, bibilhin ang Kapuso Network

Manny Pacquiao at Chavit Singson, bibilhin ang Kapuso Network

Manny-Pacquiao-Chavit-SingsonHINDI NAMAN naging maramot si ex-Governor Chavit Singson na amining interesado nga siyang bilhin ang GMA 7. Sa pakikipag-usap ng ilang press kay Chavit, hindi nito diretsahan sinagot ang tanong, pero malaman ang naging tugon niya sa tanong kung nabili na niya ang Kapuso Network?

Ang naging tugon kasi ng dating gobernardor ay hindi pa, meaning na balak niyang bilhin ang network. Lalo na nang aminin na mangungutang pa raw sila ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao para sa pambabayad sa mapagkakasunduang amount sa network.

Sa isyu naman na pirmahan na lang daw ang kulang para maging sa kanila ni Manny ang GMA 7, hindi raw totoo na pirmahan na lang ang kulang, pero totoo na may balak sila ni Manny na bilhin ang Kapuso Network. Matagal pa raw siguro mangyayari dahil mangungutang pa raw sila ni Manny nang malaki-laking halaga.

Sa tanong kung bakit nagkainteres siyang bilhin ang Kapuso Network, negosyo raw ‘yun at malaking factor din daw ‘yun sa grupo niya kung mapupunta sa kanila ang GMA 7.

Well, hindi kaya matulad din ang grupo ni Gov. Chavit sa naging deal diumano ng isang milyornaryo sa big boss ng GMA 7 na muntik pang humantong sa demandahan.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo