Manny Pacquiao, ‘di p’wedeng mag-presidente!

ADVERTISING

Manny Pacquiao, ‘di p’wedeng mag-presidente!

Manny Pacquiao, ‘di p’wedeng mag-presidente!OLA CHIKKA NOW na!!! Oh, no… oh, yes… now na!!!! Yes na yes to the maximum authority of chikka ng nag-iisang yours truly, dahil nga talaga namang nakakaloka nga-yong Monday blues. Kaya don’t make your Monday a blue Monday.

ADVERTISING

Bakit nga naman talagang hanggang ngayon, iniintriga pa rin si Nora Aunor na nagka-casino pa rin daw, wild! Nakakaloka, ‘di ba? Ako mismo ang humahamon na maglabas kayo ng ebidensiya at ipakita n’yo na nagka-casino pa rin hanggang ngayon si Ate Guy.

Eh, kanino lang ba nagsimula ang ganitong isyu? ‘Di ba kay Lucy Fermin nagsimula ‘yan, dahil marami kaming pinagsimulang away noon niyan? Pero kaya lang naman ako warlang-warla sa kanya, dahil noon naman talaga kung sira-sirain niya si Nora Aunor ay talagang paninirang-puri pa at tandang-tanda ko pa, sa kanya nagsimula ang pagka-casino ni Ate Guy. Kaya sunud-sunod ang batikos sa kanya kahit wala pa siya rito sa Pilipinas.

Pero bakit hanggang ngayon, sinisira n’yo pa rin si Ate Guy at inu-ungkat n’yo pa rin ang pagka-casino niya, at ang mga bad sides sa kanya?

ADVERTISING

Kaya ito lang ang masasabi ko, HINAHAMON KO DIN ANG MGA NANINIRA KAY ATE GUY AT MAGLABAS KAYO NG EBIDENSIYA!

 

AT HETO PA ang nakakawindang na isyu at eksena na talaga namang maloloka ka rin sa Earth. Noon nga kasing isang linggo lang, talaga namang naglalabasan ang intriga na bibitiw na raw si Manny Pacquiao sa boxing at magko-concentrate na siya sa pulitika.

Nakakaloka naman! Kung ako naman sa kanya, du’n siya nagsimula at ‘wag na muna niya bitawan ‘yan hanggang kaya niya pa at may kinakalaban pa siya.

Ang chikka kasi rito, tatakbo nga siya bi-lang presidente. Kaya lang ay bumagsak siya sa pagiging presidente dahil sa edad niya sa darating na eleksyon ay 37 pa lang siya, at ang edad na hinihingi sa pagiging presidente ay 40 years old. Kaya sa edad pa lang, bagsak na siya.

Nakakaloka naman, ‘te! Kaya siguro ngayon, sa Senado na lang yata siya papasok. Nakakaloka, ‘di ba? Ano naman kaya ang mase-say n’yo? May boboto naman kaya sa kanya? I’m sure wala, dahil hindi naman siya matalino at pa’no niya masasagot ang mga tanong ng taong bayan?

Kaya kung ako sa kanya, ngayon pa lang, mag-aral na siya para alam na niya ang mga isasagot niya. Naku naman kasi sa atin, manalo lang bilang isang keme, gusto nang umangat agad sa pinakamataas na position, ‘di ba? Nakakaloka, ‘te!

 

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Sino naman kaya itong actress na ito na talaga namang bali-balita noon, ilang beses na itong nagpalaglag?

Kaya naman ngayon, ‘te, mukhang nag-iingat na siyang makita ng ating mga kaparazzi. Nakita nga kasi itong may nahulog na pills mula sa kanyang bag. Bongga, ‘di ba? Pabor siya sa RH BILL! Ha-ha! Mukhang nag-iingat na siya, ‘te!

P’wede na rin, kesa naman magpalaglag siya… pak!

 

AYAN FOR MORE chikka, more fun… siyempre nais ko lang ipagmalaki sa inyo ang aking anak na nakakasama ko na sa aking programa sa DWSS 1494 KHZ at siyempre siya na rin ang bagong co-host ko sa DZRH TV. Kanino pa ba magmamana, at siyempre hindi rin siya natatakot magpasabog ng chikka! Ayan, ha?! Makinig kayo, Monday to Friday sa DWSSS 1494 KHZ 11:30-12:00 NN, at sa DZRHTV 666 KHZ, every Sunday, 2:30-3:30 PM. Badjao!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING