Manny Pacquaio, P400-M ibinebenta ang bahay sa Forbes Park

Manny Pacquaio, P400-M ibinebenta ang bahay sa Forbes Park

Manny-PacquiaoSIYEMPRE DAGSA ang mga friends from showbiz and politics sa victory party ni Manny Pacquiao na ginanap sa tahanan ni dating Ilocos Governor Chavit Singson.

Doon nga nagkita ang Vice President Jejomar Binay at Manila Mayor Joseph Estrada.

Ang daming nagdatingan, pero siyempre iba na ngayon si Pacman dahil mas concerned siya ngayon sa pagpapalaganap ng salita ng Diyos.

Balak nga niyang mag-record ng mga praise songs na madalas niyang kinakanta sa mga prayer service niya.

Ibang-iba na ngayon ang pananaw ng ating Pambansang Kamao dahil sa pagiging renewed Christian niya.

Nakausap doon si Manny Pacquiao ng Startalk at nilinaw niya ang isyung binebenta raw niya ang mansion niya sa may Forbes Park sa Makati.

Napabalita kasing binebenta daw niya ng 400 million pesos, dahil sa nagrereklamo na raw ang mga kapit-bahay niya at ilang residente roon dahil sa nagugulo raw sila sa dami ng mga taong pumupunta roon.

Sabi naman ni Pacquiao, wala naman daw siyang naririnig na mga reklamo mula sa mga kapit-bahay.

Pero nahihiya na raw siya dahil alam daw niyang nagugulo nga sila.

Wala naman daw sa plano niya na ibenta pero kung merong interesadong bumili, okay raw sa kanya.

Ang balak kasi niya ay magpatayo nga ng simbahan sa Saranggani.

Doon daw siya sa mga constituents niya magpa-Pasko kasama ang pamilya.

Sa ngayon, hinihintay raw niyang tanggapin ni Floyd Mayweather ang hamon niyang maglaban sila.

Labas naman daw ‘yun sa pagiging Kristiyano niya.

Abangan n’yo sa Startalk bukas ang kuwento naming ‘yan tungkol kay Manny Pacquiao.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis