Manliligaw na British singer, wa epek KC Concepcion, ‘di pa rin ready sa bagong relasyon!

ADVERTISING

Manliligaw na British singer, wa epek KC Concepcion, ‘di pa rin ready sa bagong relasyon!

Manliligaw na British singer, wa epek KC Concepcion, ‘di pa rin ready sa bagong relasyon!SA PAKIKIPAG-USAP namin kay KC Concepcion kamakailan, masayang ibinalita sa amin ng aktres na nasa maayos na kalagayan ang ina, kung saan busy ito sa bagong show na sisimulan sa TV5, at kung paano pangangalagaan ang kalusugan nito, kung saan bukas naman ang ina na kailangan niya talagang magbawas ng timbang.

Hiningan namin ng reaksyon sa kabi-kabilang mga bashers ng ina sa Twitter, kung saan ginulantang ang lahat nang makipagpalitan ito ng maaanghang na sagot sa mga nagpapadala ng mga negatibong mga mensahe, depensa ni KC, bago ito sa ina, sobra itong na-excite sa bagong karanasan ng paggamit ng Twitter at dahil sobrang passionate at tapat ang ina sa mga nararamdaman nito, nakapag-react ito sa mga nagba-bash dito.

Sa ngayon ay natuto na si Sharon na huwag na lang pansinin at paapekto sa mga negatibong sinasabi ng iba at magpokus sa ibang bagay.

Bukod sa excited sa pagsisimula ng X-Factor, kung saan nilibot nina KC ang buong Pilipinas para sa mga sasali rito, masaya at sobrang excited din ang actress/ TV host sa pelikulang pagsasamahan nila nina Anne Curtis at Derek Ramsay under Viva Films, ang Nothing Compares To U. 

ADVERTISING

Aminadong may pressure sa part niya dahil sa success ng pelikulang pinagtambalan ng dalawa, ang No Other  Woman na sa laki ng kinita ay nagluklok sa dalawa para sa Box Office King and Queen, ayon kay KC ay pagbubutihan niya ang kanyang trabaho at magpopokus na magampanan nang mahusay ang role niya sa nasabing pelikula. Sa tanong namin kung bukas ba siyang magpa-sexy na tiyak na isa sa elemento nang pelikulang pagsasamahan, ‘di kami diretsahang sinagot ni KC at bahala na raw ang direktor dito at sa tatakbuhin ng istorya.

Nagselebra ng kanyang kaarawan sa LA at Hawaii, kung saan mukhang nakatulong nang malaki kay KC upang makapagpahinga at makapag-recharge nang husto, masayang ikinuwento sa amin ni KC na nakasama niya ang ilan sa mga malalapit niyang mga kaibigan kung saan in-enjoy niya nang husto ang mga beach sa Hawaii, nag-surf siya at dumalaw sa ilang lugar tulad ng Disneyland, at mga lugar kung saan kinuhanan ang Pirates of the Carribean at Pearl Harbor. 

Nabalita ang panliligaw sa kanya ng British singer na si Jules Knight ng British boyband na Blake, ipinaliwanag sa amin ni KC na sinabi niya sa singer na hindi pa siya bukas sa bagong pakikipagrelasyon sa ngayon, pagkatapos niyang ibigay ang lahat-lahat sa naging relasyon nila ni Piolo Pascual. Sa ngayon ay ine-enjoy ni KC ang pagiging single, kung saan marami siyang nami-meet na mga bagong tao sa ngayon. Bukas naman ang komunikasyon nila ni Jules, pero sa nakikita namin kay KC, mukhang kasalukuyan pa nitong ginagamot ang puso, binubuo muli ang kanyang sarili at ‘di pa talaga handa sa bagong pakikipagrelasyon.

Manliligaw na British singer, wa epek KC Concepcion, ‘di pa rin ready sa bagong relasyon!

KAHAPON, APRIL 25, ginanap sa Mabini Building sa Malacañang ang kauna-unahang First Child Summit ng MTRCB.  Panelists ang ilan sa mga artistang nagsimula talaga as childstars tulad nila Niño Muhlach, Sheryl Cruz, Rayver Cruz, Robi Domingo at Aiza Seguerra, naging moderator naman ang kilalang broadcaster na si Anthony Taberna.

Nakakaaliw ang mga kuwento ng mga panelist, kung saan inamin nila ang importan-sya ng kanilang mga magulang kung kaya’t ‘di sila napariwa o napasama gaya ng nangyari sa iba nating mga artista. Naging emosyonal at naiyak nga si Niño Muhlach nang magbigay-pahayag ito na ngayon niya mas napahalagahan ang lahat ng ginawa ng amang si Cheng Muhlach na 100% ng kanyang kinikita ay nilagay sa trust fund niya, kung saan nakapagpatayo siya ng building at ang perang naipon niya ang gina-gamit niya sa ngayon kahit ‘di na siya gaanong aktibo sa showbizness.

Nakausap namin si MTRCB Chairman Grace Poe Llamanzares na sobrang nagpapasalamat dahil halos lahat ng istasyon ay nandu’n para magbigay-suporta. Nagpahayag siya ng paghanga sa napakagandang presentasyon ng ABS-CBN sa pangu-nguna ng ABS-CBN Channel Head na si Ms. Linggit Tan. Dito ay ipinakita ang proteksyon na binibigay nila sa mga batang artista mula sa cut-off time ng mga ito at paglalagay nang tama ng mga kinikita ng mga batang artista natin ngayon kung saan 20% ng kita ng mga ito ay dapat na nilalagay sa ipon.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING