Manilyn Reynes, pinaboran ang paglipat ni Janno Gibbs

Janno-Gibbs-Manilyn-ReynesMALABO NA ang paghahangad ng fans nina Manilyn Reynes at Janno Gibbs na magsama uli sa isang serye ang kanilang iniidolo. Pagkatapos kasing maging hit ang ginawa nilang My BFF, umasa ang kanilang fans na may susunod na serye ang dalawa.

Ngayon nasa TV 5 na si Janno, wala nang pag-asa na magsama muli sila ni Mane sa isang serye or sitcom sa GMA. Pero pagtatanggol ni Mane sa paglisan ni Janno sa GMA, isang career move daw ‘yun sa dating ka-loveteam.

“Kung saan naman siya (Janno) happy, doon siya, ‘di ba? Hindi naman natin hawak ang desisyon ng ibang tao. If he feels na mas marami siyang magagawa sa ibang tahanan, then let’s be happy for him.

“Kami naman ni Janno, magkasama man kami sa work o hindi, still, nagkakaroon kami ng time na magkausap o magkakuwentuhan.

“May mga fans nga na na-sad noong hindi na kami nagkatambal ulit. Sabi ko, okey lang ‘yun. Marami pa namang pagkakataon,” nakangiting say ni Mane.

Kasama si Mane sa bagong teleseryeng Destiny Rose sa role na mother ng isang transgender na ginagampanan ni Ken Chan na magmula nang magsimulang mag-taping ay laging panty na ang suot para raw mas ma-feel niya ang kanyang role bilang isang transgender.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

Previous articleBulacan Vice Gov. Daniel Fernando, nanghihinayang sa TV at movie projects na ‘di natutuloy
Next articleNora Aunor, ‘di puwedeng diktahan ng mga nagmamarunong

No posts to display