Manilyn Reynes, ninenerbiyos sa kissing scene nila ni Janno Gibbs

ADVERTISING

Manilyn Reynes, ninenerbiyos sa kissing scene nila ni Janno Gibbs

Manilyn-ReynesHINDI NA nga isyu kay Manilyn Reynes ang pagiging late ni Janno Gibbs sa serye nilang My BFF dahil maaga ang call slip kay Mane at launch time naman ang eksena nila ni Janno.

Ayon kay Mane, kaya hindi na niya napapansin kung late dumating si Janno dahil maaga pa lang ay kinukunan na ang eksena niya kaya ‘di na niya namamalayan na late nang dumating si Janno sa taping. Ang maganda naman daw kahit late na si Janno ay nakade-deliver naman daw ito sa mga eksena nila sa taping.

Napansin din daw ni Mane na nag-mature na talaga si Janno dahil mas lumalim na raw ito bilang actor na malayung-malayo sa pakyut moment nila noong bata pa sila.

Hindi naman itinanggi ni Mane na hanggang ngayon ay di siya pumapayag na makipaghalikan sa lips at alam daw ito ni Janno. Eversince naman daw mula noon at hanggang ngayon ay never siyang napapayag na magkaroon ng kissing scene sa kapartner. Kaya raw nang mabasa niya ang script na mayroon silang kissing scene ni Janno, nanginig daw ang tuhod niya. Kung natuloy o hindi ang kissing scene ng dalawa. Pag-uusapan pa raw nila kung talagang kailangan or puwede namang tanggalin na lang.

ADVERTISING

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING