Manilyn Reynes, naglabas ng sama ng loob kay Janno Gibbs

ADVERTISING

Manilyn Reynes, naglabas ng sama ng loob kay Janno Gibbs

Manilyn-Reynes-Janno-GibbsMULING NAGSAMA ang dating magkasintahang Janno Gibbs at Manilyn Reynes sa BFF, family-oriented TV series ng GMA 7.

Itinanggi ni Janno na iniwasan niyang makasama muli si Mane (tawag kay Manilyn) kaya natagalan bago sila muling nagtambal.

“Actually, first time naming nagsama ni Mane sa TV. Noon kasi, nagkasama na kami sa pelikula. Totoong natagalan bago ako napapayag magsama kami ni Mane sa TV series kasi naghihintay at naghahanap ako ng tamang project na babagay sa amin. Ito nga, ang BFF, sa tingin ko, right project for us,” say ni Janno.

Inamin din ni Janno na muling nanumbalik ang nakaraan nila ni Mane na hindi nga nauwi sa maganda. Pero naging mag-best friend naman daw sila matapos na magkahiwalay.

ADVERTISING

“Baligtad nga sa amin ni Mane. Nangyayari kasi minsan sa dating magkaibigan na nauuwi sa pagmamahalan. Sa amin ni Mane, nagmahalan muna kami na hindi nga nauwi sa kasalan bago kami naging mag-bestfriend,” say pa ni Janno.

Natawa si Mane na may eksena sila ni Janno sa BFF na nagalit siya sa ginawang panloloko sa kanya ni Janno. Nagkahiwalay kasi sila sa serye.

“Parang ngayon ko lang nailabas ang mga sama ng loob ko sa kanya noon. Damang-dama ko ang eksena. Makatotohanang lumabas,” natatawang pahayag ni Mane.

Ngayon, may kanya-kanya na silang pamilya. Naitanong kina Janno at Mane kung papayag ba ang kanilang napangasawa na mag-guest sa BFF (Best Friend Forever)?

“Kinausap ko na si Bing (Loyzaga) at payag naman siyang mag-guest, basta wala si Mane, Hahaha! Hindi, joke lang. Walang problema kay Bing,” seryosong pahayag ni Janno.

Pinagdiinan naman ni Mane na mas lalong wala raw problema na mag-guest ang husband niyang si Aljon Jimenez.

Samantalang naging totoo lamang si Janno nang tanungin kung si Mane ang nakatuluyan niya at hindi si Bing, magtatagal din daw kaya ang pagsasama nila at hindi mauuwi sa hiwalayan?

“Siguro kung kami ni Mane ang nagkatuluyan, baka mauwi rin sa hiwalayan. Kasi noon, madalas kaming mag-away. Bata pa kasi si Mane, 14 years old. Sixteen years old pala at that time. Mas mabuti siguro kaming magkaibigan na lang. Nagkakasundo at hindi nagtatalo lagi,” pahayag pa ni Janno.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING