Manilyn Reynes, may trauma kay Janno Gibbs

ADVERTISING

Manilyn Reynes, may trauma kay Janno Gibbs

Janno-Gibbs-Manilyn-ReynesTOTOO PALANG natakot makasama sa isang serye or pelikula ni Manylyn Reynes si Janno Gibbs sa pangamba na magkaroon ng aberya sa kanilang taping or shooting. Lagi raw kasi late si Janno at matagal din itong naging problema ng production staff ng network. Pero dahil sa ganda ng istorya ng My BFF, hindi na nakatanggi si Mane na makasama muli ang ex-boyfriend na si Janno.

“Actually, hiningi ko muna ang reaction ng mister ko bago ko tinanggap ang serye na pagsasamahan namin ni Janno. Kasi natatakot ako na baka ganoon pa rin ang attitude niya na laging late sa taping,” tsika ni Mane.

Pero mismong mister pa ni Mane ang nag-encourage sa actress na tanggapin ang serye at huwag mag-aalala na baka maging sakit na naman ng ulo ng production staff ang pagiging late ni Janno.

Tama ang naging desisyon ng mister ni Mane na tanggapin ang serye dahil ibang Janno na ang actor. Hindi na ito late at kung ma-late daw ay hindi ganoon katagal.

ADVERTISING

Bukod sa pagpapatawa sa serye ni Janno, nagsusulat na rin ito ng mga kanta na kadalasang ginagamit na rin theme song ng isang teleserye.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING