Manila Vice-Mayor Isko Moreno, may relasyon sa isang babaeng hiwalay sa asawa?

ADVERTISING

Manila Vice-Mayor Isko Moreno, may relasyon sa isang babaeng hiwalay sa asawa?

Isko-MorenoKAHIT MAY asawa’t anak na si Manila Vice-Mayor Isko Moreno, malakas pa rin ang sex appeal nito sa mga babae. Kahit medyo nagkaedad na ang dating aktor, bakas pa rin ang pagiging makisig, macho-guwapito nito. Hanggang ngayon, pinagpapantasya pa rin siya. Palibhasa tunay na lalaki, hindi maiiwasang matukso.

ADVERTISING

May tsikang may secret relationship diumano si Isko sa isang babae na hiwalay na sa asawa. Lihim na lihim daw ang kanilang love affair dahil makasisira ito sa political career ng actor/politician. Maging sa parte ng babae, hindi dapat ipagmakaingay dahil kilala ang pamilya nila sa lipunan. Nangyari lang nang hindi inaasahan dahil malapit na kaibigan si Isko sa pamilya ng babae, ‘yun nga, nangyari ang hindi dapat mangyari.

Siyempre, walang lihim na hindi nabubunyag. Nang malaman ito ng magulang ng babae, galit na galit ang ama nito sa kanyang anak, hindi kay Isko. Alam naman kasi nilang may asawa’t anak ito, open book ang status nito sa buhay. Tipong na-in love kasi si babae kaya naging tama ang mali. Naging bulag ito sa ngalan ng pag-ibig sa lalaking mahal niya.

Ang nakakaloka sa kuwento, nahihirapan si Iskong hiwalayan na ang babae. Nakarating kasi sa asawa ni Vice-Mayor ang the other woman ng actor/politician. Siyempre nga naman, mananaig ang pamilya bago ang kerida. Tama po ba ako?

ADVERTISING

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING