Manika nina Nora Aunor at Tirso Cruz III, ginawang ‘Chuckie’

ADVERTISING

Manika nina Nora Aunor at Tirso Cruz III, ginawang ‘Chuckie’

Nora-Aunor-Tirso-CruzIS IT true na bad trip ang mga solid Guy and Pip fans of the 70’s dahil binalahura diumano ni Direk Wenn Deramas si Maria Leonora Teresa?

ADVERTISING

Yes, kung fan ka ng isa sa pinakamalakas na loveteam during the 70’s na sina Nora Aunor at Tirso Cruz III, I am sure sinasamba ninyo si Maria Leonora Teresa na isang manika na sumisimbolo na “anak” nina Guy and Pip noon.

Sa katunayan, sa mga fans nina Guy and Pip, ang manika, parang poon na sinasamba nila. Binibihisan, pinapalitan ng dami at inaalagaan at bini-baby tulad ng “pagsamba” nila noon sa tambalang Nora-Tirso.

Pero sa makabagong panahon, si Maria Leonora Teresa ay ginawang “killer doll” ni Direk Wenn sa kanyang bagong horror movie na produced ng Star Cinema na ipapalabas come September na pagbibidahan ni Jodie Sta. Maria.

ADVERTISING

Sa totoo lang, may gulat factor ang pelikua na napanood na namin ang trailer last weekend when we watched the movie Talk Back and You’re Dead nina James Reidat Nadine Lustre.

Hindi kaya maghuramentado ang mga Guy and Pip fans ‘pag nagsimula na ang promo ng movie na mag-a-ala Chuckie si Maria Leonora Teresa at ginawang “killer doll”?

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING