Manang-mana sa inang si Kris Aquino
Bimby Aquino Yap, binuking ang dyowa ni Vice Ganda

Bimby-Aquino-Yap-Kris-AquinoVice-Ganda“WALANG DUDA! Anak ka nga ni Kris Aquino!” Ito ang bulalas ni Vice Ganda nang diretsahan siyang tanungin ni Bimby Aquino Yap tungkol sa umano’y boyfriend ng komedyante.

Sa interview ng The Buzz noong December 21 kay Vice Ganda para sa The Amazing Praybeyt Benjamin 2, kung saan kasama rin si Bimby sa cast, tumabi si Bimby kay Vice Ganda habang ini-interviw ito. Nagulat na lang si Vice nang biglang magtanong sa kanya si Bimby ng, “Is your boyfriend, Kevin?”

Sabi pa ni Vice, “Si Bimby, masarap maging anak, si Kris Aquino masarap maging ina, pero hindi sila masarap na maging kaibigan talaga! Nakakatakot.”

Sabi naman ni Kris, si Bimby mismo, nagkuwento rin sa kanya na naririnig niyang may kausap na “Kevin” si Vice sa cellphone.

Depensa naman ni Vice, “Kasi nangingialam siya lagi ng phone ko. Alam niya ‘yung password. May nag-voice message sa akin ‘tapos sinagot-sagot niya. Nag-uusap na pala sila sa voice message.”

Ayon pa kay Vice, hindi niya nakakasama si ‘Kevin’ ‘pag lumalabas siya. “Kung meron man silang nakita, kaibigan ko lang ‘yun. Ang dami ko kasi talagang kaibigang basketball players na nakakasama kong lumalabas. Kaya ‘yun ang pinaka-clue. Kapag nakita n’yong kasama ko, hindi ‘yun ‘yon.”

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)