Management ni Charice, idinemanda ng concert producer

ADVERTISING

Management ni Charice, idinemanda ng concert producer

Charice Pempengco
Charice Pempengco

Sinampahan ng kasong estafa ang mga taong humahawak sa career ni Charice Pempengco na sina Mark Anthony Edano Juico at Jedmark Velasco Fernandez ng promoter/ producer na si Maria Rosario Risi Aureus ng Cleverbox Events International.
Nakausap ng press si Ms. Aureus kasama ang kanyang legal counsel na si Atty. Ferdinand Topacio. Ayon sa salayay niya, “Kinuha ko si Charice para mag-concert sa Rome, Dubai, at Switzerland para sa September 10-18. Dapat, after ng concert niya, may iba pa kaming pag-uusapang other concert.”
Nagbigday na nga raw ito ng P400,000 bilang downpayment kina Fernandez at Juico bilang kabayaran sa 25% asking DP (deposit) ni Charice sa talent fee nito na almost P1.6-M ang kabuuan.
Pero hindi nga raw natuloy ang napag-usapang concert dahil nagkaroon ng problema sa pagitan ni Charice at ng kanyang management .
Nang makausap daw ni Ms. Aureus si Charice, nalaman nitong hindi pa raw pala nabibigyan ng down payment ang Pinay international singer.

 

Chester Chua, Ron Mclean, Jhustine Miguel, Vellmore Ebarle, and Jb Paguio with thier fans during the Meet and Greet
Chester Chua, Ron Mclean, Jhustine Miguel, Vellmore Ebarle, and Jb Paguio with thier fans during the Meet and Greet

5 Internet heartthrobs, nagpakilig ng kanilang mga tagahanga

Naging matagumpay ang ginanap na “Meet and Greet” ng limang Internet heartthrobs na sina Chester Chua, Ron Mclean, Jhustine Miguel, Vellmore Ebarle, at Jb Paguio na ginanap sa McDonald’s Quezon Avenue last September 25.
Nag-enjoy nang husto ang mga tagahangang dumalo sa mga palaro na kasama ang limang Internet heartthrobs (paper dance, Trip to Jerusalem, atbp.) at pa-premyo na mula sa Ysa Skin and Body Experts.
Hindi naman magkamayaw sa tilian mula sa kanilang mga tagahanga sa performance ni Ron na hinarana ang kanyang mga tagahanga sa kanyang awitin, habang humataw naman si Jhustine kasama ang kanyang grupong Zero Ground na sina Benedict and Egie.
Kotang-kota rin ang fans sa pagpapalitrato at pagpapa-authograph sa kanilang paboritong Internet heartthrobs.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING