Sipat-eklat: Mami-miss kasi: Hunk actor, super sad sa paglipat ng isa pang hunk actor sa ibang network!

SIPAT: Si ARNEL PINEDA ang KAKANTA ng LUPANG HINIRANG sa PACQUIAO-CLOTTEY MATCH.
EKLAT: ABANGAN ang ROCK VERSION ng PAMBANSANG AWIT!

SIPAT: TAPOS ng MATCH nina PACQUIAO, TIYAK na AABANGAN din ang REMATCH nina RUFFA GUTIERREZ at KRIS AQUINO sa THE BUZZ.
EKLAT: REFEREE si ANNABELLE RAMA!

SIPAT: PASOK na si PAULO AVELINO sa PANDAY KIDS!
EKLAT: ‘BUTI na lang UMALIS si JC DE VERA.

SIPAT: ANO naman ang PROJECT ni JC sa TV5 kung saan siya LUMIPAT?
EKLAT: Ahmmm… PANDAK KIDS?

SIPAT: NILILIGAWAN nang TV5 si VALERIE CONCEPCION?
EKLAT: Si WILLIE REVILLAME lang kasi ang YUMAYAMAN sa WOWOWEE!

SIPAT: Naks, IMAGE MODEL na ng BEAUTY CLINIC si NONITO DONAIRE.
EKLAT: Kaya BAWAL na siyang MAKIPAGBASAGAN ng MUKHA!

SIPAT: SCRIPTED ang ilang NEWS ITEM ng IBANG TV NETWORKS, sey ni ERWIN TULFO.
EKLAT: MAHIHILIG kasi sa TELESERYE ang VIEWERS nila, e!

SIPAT: Yehey, MAPAPANOOD na si ANDI EIGENMANN sa AGUA BENDITA!
EKLAT: IBA TALAGA ‘pag ang NANAY na ang NAGTARAY!

SIPAT: SANA lang daw ay ‘WAG SUMADSAD ang RATING ng AGUA BENDITA sa PAG-APIR ni ANDI.
EKLAT: AGAD na IBALIK ‘yung BATANG BIDA ‘pag SEMPLANG!

SIPAT: ‘KALOKA ang TALENT FEE ni MARK BAUTISTA sa GMA-7, DINOBLE ang OFFER ng TV5!’ sey ng isang TIRIRIT.
EKLAT: Naging ALIGAGA tuloy ang IBANG TALENTS ng ABS-CBN…

SIPAT: MAGKANO naman ang TF ni MARK sa KAPUSO network?
EKLAT: ‘Mai-INSECURE ang OLD-TIMERS ng PARTY PILIPINAS ‘pag NALAMAN nila!’ Ratsada ng TIRIRIT.

SIPAT: ‘NAPANSIN n’yo na SUPER SAD si [name ng hunk actor]? Mami-MISS niya kasi si [name ng hunk actor],’ bulong ng MAHADERANG MIRON.
EKLAT: ‘Pero, PUWEDE naman siyang mag-SWITCH ng CHANNEL, ‘di ba?’ Patuloy ng MAHADERANG MIRON.

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

Previous articleRuffa Gutierrez, may iba pang dahilan sa pag-walk-out?!
Next articlePremiere Shots: Binibining Pilipinas 2010 Coronation Night

No posts to display