Male young star, umeeskapo papuntang Pampanga para katagpuin ang guwapong papa!

KINSA SIYA? SINO itong sikat na male youngstar na laging kinukuwestiyon ang gender ang diumano ay super in love sa ngayon, hindi sa babae ha? Kundi sa isa ring lalaki.

Ang siste ng aming baklitang katsukaran, tuwing may bakanteng oras daw itong si youngstar ay palihim daw itong pumupunta sa Pampanga upang makipagkita sa kanyang lovey dovey na isa ring lalaki. Dahil kilala nga at may pangalan na rin sa showbiz, very protective daw itong kanyang lovey dovey, dahil itinatago niya rin ito sa kanyang pamilya roon. Kaya sa isang bar sila laging nakikitang nagla-loving-loving.

So ito ba ay pagkumpirma na isa nga siyang miyembro ng ikatlong lahi at natagpuan na niya ang kanyang sarili sa piling ni lovey dovey?

Nakakainggit naman si youngstar dahil, in fairness, super guwapo daw talaga si lovey dovey. Ayan na, basahin n’yo simula hanggang dulo andiyan na ang clue!

(By Arniel Serato)