Male TV host, mas at home sa pinanggalingang network

ADVERTISING

GALING ANG male TV host na ito sa isang network until he crossed over sa kabilang istasyon kung saan mas matagal siyang nagtrabaho.

Despite his transfer, in a manner of speaking ay hindi siya nagsunog ng mga tulay. In fact, bilang isa sa mahigit isandaang personalidad na malapit sa nag-birthday kamakailan na top honcho ng naunang istasyong pinagtrabahuhan niya, the TV host showed up at the plush venue.

ADVERTISING

His presence was like a past revisited, ‘ika nga. Nakadaupang-palad kasi ng TV host ang mga dati niyang kasamahan sa unang pinanggalingang network.

At du’n nga niya na-realize, “I felt I was back home,” to think na mahigit limang taon lang ang inilagi niya sa istasyong ‘yon as opposed sa kanyang nilipatan which he had so loyally served for more than a decade.

Da who ang male TV host na ‘yon? Itago na lang natin siya sa alyas na Fritz Bronco.

ADVERTISING

By Ronnie Carrasco

ADVERTISING