Male singer, nagpa-register na sa pederasyon?!

ADVERTISING

Male singer, nagpa-register na sa pederasyon?!BLIND ITEM: NAGLADLAD na nga ba talaga ng kapa ang singer na ito at officially ay nagpa-register na siya sa federation?

Paano ba naman, hindi na talaga nahihiya ang singer na ito at halos every night na raw kung umistambay sa isang Chinese resto sa Kyusi kasama ang kanyang mga gay friends na tili nang tili kung magkuwentuhan.

ADVERTISING

Bukod sa mahilig magsuot ng tight pants at maikling shirt na kita ang pusod ang singer na ito kapag gabi, e, lagi rin niyang dala ang kanyang pet dog na Chihuahua. Chihuahua? Hindi ba’t pet ‘yan ng mga girlets at ng mga pa-girlets? Hmm….esep-esep!!!

Kasi naman, ayaw pang umamin. This is the moment na ateng!

GRABE RAW PALA kung mag-PDA or mag-Public Display of Affection ang ABS-CBN talent na si Kristel Moreno sa lobby ng Atherton Place.

ADVERTISING

Aba, parang pelikula nga raw ang mga eksena sa tuwing magkasama sila ng kanyang boyfriend na indie film producer.

Magmula raw sa lobby ay umaatikabong L to L na raw ang nangyayari hanggang sa loob ng elevator, to the delight of the security guards na nakakakita.

At pagdating sa elevator papunta sa unit ni Kristel, only both of them know kung ano na ang mga susunod na kababalaghang nangyayari.

Anyway, from Crowne 88 condo in Panay Avenue, inilipat siya ng kanyang madatung na boyfriend papuntang Atherton Place sa Tomas Morato para magkaroon ng konting privacy. Baka raw kasi mapitikan sila ng aming kamerang-gala sa Crowne 88, which is incidentally where the editorial office of our tabloid is located.

Ngayon, tumataginting na P30K a month daw ang ibinabayad ng boyfriend ni Kristel sa unit rental plus the electricity and the water bill kaya bongga na rin kung maituturing ang offer na ‘yun.

Suwerte na rin ang madatung na indie film producer dahil flawless at seksi ang kanyang napitas na Star Magic talent. Hek-hek-hek!

NAPAGSABIHAN PALA SI John Lloyd Cruz ng management ng Channel 2 na ‘wag na munang babanggitin ang mga pangalan nina Shaina Magdayao at Ruffa Guttierez sa mga interviews para makaiwas na lumala pa ang mga intriga sa kanila.

Siguro, it is a sort of news blackout pagdating sa mga pangalan na ‘yon para hindi maging out of control ang mga issues sa kanilang tatlo.

Kaya naman kapag ina-approach si Papa JLC, e, pangungunahan ka na niya agad ng mga katagang, “No Shaina or Ruffa issue please.”

Oo nga naman. Kasi, kapag napag-uusapan ang link-up niya kay Ruffa or Shaina, Papa JLC is so transparent kaya kung anu-ano ang lumalabas sa kanyang bibig kaya nabubuking ang mga bagay na hindi dapat malaman ng mga tao.

Katulad na lamang ng drinking issue niya na pagtatakpan sana ng Channel 2 management pero dahil siya na rin ang indirectly, e, umamin sa isyung ‘yon, wala na ring magawa ang mga taong humahawak sa kanyang career.

Kaya ngayon, to be safe, e, hindi na lang ginagawang topic sina Shaina at Ruffa kapag ini-interview si Papa JLC. So, ano pa nga ba ang puwedeng itanong kay Papa JLC kung hindi puwedeng kumustahin ang kanyang relationship with Shaina or Ruffa?

Kumustahin na lang kaya natin silang dalawa ni Kaye Abad… joke!!! Lumang isyu na ‘yon. Hek-hek-hek!

For reaction please e-mail mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

ADVERTISING