Male singer at 26K member, umeksena sa ladies’ room ng isang bar!

ADVERTISING

Male singer at 26K member, umeksena sa ladies’ room ng isang bar!Male singer at 26K member, umeksena sa ladies’ room ng isang bar!OLA CHIKKA! PARA sa araw ng Huwebes, siyempre unang-una sa lahat, ang bonggang-bonggang si Aling Dionesia! Ang akala raw ng lahat, sinusuportahan niya ang kanyang anak para mangampanya sa Gen San, pero iba pala ang ikinakampanya.

Siyempre, sino pa, kundi ang kanyang idol na Jukebox Queen na si Imelda Papin, na pinapunta pa ni Aling Dionesia sa Gen San para ikampanya ito. Balita nga ng aking parazzi girl, si Aling Dionesia ang gumastos ng lahat sa pagpunta roon ni Imelda. Gayunman, suportado rin naman pala ito ng Pambansdang Kamao, komo’t idolo nga ito ng kanyang mudra. At sabi pa ng aking parazzi girl, tuluy-tuloy pa rin ang suporta rito ng mga Vilmanians, Noranians at Sharonians. At sana, suportahan din ito ng mga fans nina Judai at Claudine, at pati na ng kay Kim Chiu. ‘Di ba ang taray?!

SUSUNOD SA ATING balitaktakan, sabi-sabi ng mga tao na ‘di raw nagkakasundo sina Direk Buboy Tan at Fanny Serrano. Pero kitang-kita ng aking parazzi girl na ok na ok ang samahan ng dalawa sa pelikulang Tarima. Ang direktor ay napakagaling, at napatunayan na natin na marami na rin siyang ginawang pelikula. Kahit sa Tarima ay tuluy-tuloy ang suporta natin dito.

Ang sabi-sabi pa ng mga tao, basura raw ang mga pelikulang ginagawa ng direktor na ito. ‘Di kaya! May napatunayan naman mismo si Direk Buboy sa mga pelikulang kanyang ginawa, at marami na rin siyang nakuhang award. Para nga sa kanya, trabaho lang.

At ‘eto pa ang masasabi ni Direk Buboy, kahit pito-pito ang klase ng pelikulang ginagawa niya, patok naman ang mga ito sa masang Pilipino. Patuloy pa rin nga siyang pinagkakatiwalaan ng mga producers.

ADVERTISING

“Sa awa ng Diyos, hindi ako nawawalan ng project. Hindi naman ako naghahanap ng producers, sila ang lumalapit pa rin sa akin. Mabait sa akin ang Poong Nazareno, deboto kasi ako,” sey pa ni Direk.

Ang taray talaga! ‘Yun na!

BLIND ITEM: SINO ba itong singer na ito na feeling sikat? Napagkamalan ngang bading ng aking parazzi girl ang singer na ito, dahil nagpapa-curl ng eyelashes nang makasama niya ito sa isang dressing room.

Pero napatunayan nga ng aking parazzi girl na hindi naman pala totoo ang hinala niya sa singer na ito. Nakasama niya kasi ito sa isang bar sa Timog, at napaka-wild talaga nila. Kasama ni singer ang kanyang merlat na dating miyembro ng 26 K sa Deal or No Deal, at kitang-kita ng aking parazzi girl na nasa loob ng isang cubicle sa ladies’ room ng bar ang dalawa.

Diumano, may nakakita sa kanilang pagpasok at bigla na nga lang pumasok ang tatlong bouncer para tawagin sila. Parang walang nangyari lumabas lang ang singer at ang 26 K member, as in deadma lang.

Mukhang ayaw pa rin daw nilang paawat sa pagiging wild. Lumipat pa sila ng ibang bar, at doon sa gitna ng dance floor sila naglaplapan. ‘Di ba ang taray?! Parang hindi sila celebrity kung kumilos. Nakakahiya! Ang wa-wild!

Gusto n’yo ng clue? Mapapanood ang singer na ito sa TV5 every Sunday. Ang merlat, deadma na lang, hulaan n’yo na lang.  Ha-ha-ha! ‘Yun na!

Para sa mas maiinit  pa na chika at makatotohanang balitaktakan pakinggan n’yo po kami sa DWBL 1242 khz kasama ang sosyalera kong co-host na si Michelle Junia every Monday to Friday mula 8 hanggang 9 ng umaga at sa RHTV / DZRH tuwing linggo 2:30 to 3:30 pm. This is your Tita Swarding saying thank you very much and God Bless!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING