Male Newscaster, biglang nawala sa sirkulasyon

KNOWS N’YO ba kung sino itong male newscaster na hindi na napagkikita ngayon? Pati ang kanyang

mga TV shows na kinabibilangan ay  hindi na siya napapanood ngayon. Bakit kaya? Ano ang matinding dahilan kumbakit  bigla siyang nawala sa sirkulasyon.

Samantalang dati-rati ay marami siyang shows at aktibong-aktibo ang bida natin sa ating blind item.

Sayang naman kung bigla na lang siyang mawala na parang bula.

Nagtataka nga lang at nagulat ang marami nang makarating sa kanila na ‘di na nila nakikita ang male newscaster.

O, knows n’yo ba kung sino ang tinutukoy natin?

Hindi kaya lilipat na siya ng network? O kaya naman ay natsugi siya? O kaya naman ay suspendido ang bida natin? O kaya ay wala ang sagot sa pinagpilian.

O hula na po.

Basta  may itsura siya at talaga namang lilingon ka kapag masasalubong mo siya.

Yes, guwapo ang lolo mo.

By Fernan  de Guzman