Male celebrity at showbiz reporter, nag-churvahan sa Boracay?!

ADVERTISING

Male celebrity at showbiz reporter, nag-churvahan sa Boracay?!Male celebrity at showbiz reporter, nag-churvahan sa Boracay?!NAKU HA! ANG dami pang nakarating sa akin na mga tsika galing Boracay, huh! Ewan ko ba! Kapag nandu’n sila sa Boracay, kahit Semana Santa, bongga sila sa pagwawala!

Siyempre, hindi naman ako sanay mag-blind item pero hindi ko puwedeng banggitin ang name ng magandang showbiz reporter na ito na OA raw sa kalasingan. Ang ending, na-churva ito ng isang male celebrity na anak ng galing sa isang maimpluwensiyang pamilya.

Hay naku! Kilalang-kilala ko at malapit sa akin ang lalaking nakatikiman nitong showbiz reporter na ito, pero hindi ko puwedeng mabanggit ang name dahil wala ako ru’n, eh! Ikinuwento lang sa akin ito dahil sila ang pinag-usapan ng ibang reporter na nandu’n.

Actually, narinig ko na nu’n ang tungkol sa dalawang ito na nagkatikiman na rin sila nu’n sa isang showbiz party. Pagkatapos, ngayon namang nagkita sila Boracay, nagkatikiman na naman?

Bongga, huh! Kaya pala itong hitad na showbiz reporter na ito ay pa-tito at tita ang tawag niya sa magulang nitong male celebrity. Ganu’n na siya ka-kumportable sa pamilyang ito? Bongga siya!

ADVERTISING

Wala naman silang relasyon, eh! Basta ‘pag nagkikita sila, churvahan agad lalo na kung lasing na itong male celebrity at ngenge na rin sa kalasingan itong si magandang showbiz reporter.

Pero, parang hindi naman ako gaanong nagagandahan sa showbiz reporter na ito. Sabi kasi nila sa akin, ang daming niretoke sa katawan niya, mula sa mukha hanggang daw sa puwet niya.

Kaya lang, hindi naman daw ganu’n ka-pulido ang pagkaretoke sa kanya. ‘Yun na!

IN-ANNOUNCE NA PALA ni Sen. Bong Revilla sa ilang reporter na malamang hindi na raw muna nila itutuloy ang part two ng Ang Panday na dapat ay isasali sa Metro Manila Film Festival.

Dapat daw kasi ay nagsisimula na sila ngayon ng shooting dahil matagal gawin ang pelikulang ito pero dahil sa abala si Sen. Bong sa pangangampanya at kung hihintayin pang matapos ang eleksIyon, magagahol na raw sila at baka hindi lang nila mapaganda nang mabuti.

Iyong unang Panday nila ay halos isang taon nilang binuno ‘yun kaya na-achieve nila na ganu’n kaganda. Eh, ang target pa sana nila ay mas maganda itong part two, kaya baka hindi lang nila mapaganda nang mabuti kung maghahabol sila sa deadline.

Pag-uusapan pa raw nila ng GMA Films kung ano ang mabuting gawin dahil mukhang hindi na nga raw talaga matutuloy itong part two ng Ang Panday.

Baka ang ending niyan, si Jolo Revilla na ang gagawan nila ng pelikula dahil maganda naman ang kinalabasan ng Agimat series niya sa ABS-CBN 2.

Meron na nga siyang malapit nang simulan, ang Kapitan Inggo, Kumakain ng Bala.

Baka matagalan pa raw itong series nila sa Agimat dahil consistent ang rating nito.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING