Maldita sa Heartful Café: Barbie Forteza, swak din sa kontrabida roles

NAPAPANOOD ngayon sa Kapuso Primetime series na ‘Heartful Café’ ang Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza in a special role. Huling napanood ng mga viewers ang dalaga sa ‘Anak ni Biday vs. Anak ni Waray’ na nagtapos early this year.

Nasanay na ang mga viewers na mapanood si Barbie sa mga teleserye kung saan siya’y mahirap at laging inaapi ng mga tao na nakapaligid sa kanya. Ang ilan naman sa kanyang mga proyekto ay nagpakilig ito ng mga fans lalo na kapag ipinapares siya sa mga fast-rising leading men ng kanyang home network.

Maldita sa Heartful Café: Barbie Forteza, swak din sa kontrabida roles
Julie Anne San Jose and Barbie Forteza in Heartful Cafe

Sa kanyang special appearance sa ongoing primetime series na ‘Heartful Café’ ay ibang Barbie Forteza an gaming nasilayan. Isang sophisticated, palaban at may pagka-atribidang bratinella ang napanood namin sa mga clips na inu-upload ng GMA Network sa YouTube.

For a change, si Barbie naman ang pasimpleng nang-aapi sa bidang si Heart (played by Julie Anne San Jose). Sa kuwento, Si Barbie ang gumaganap bilang Cors, ang fiancé ni Ace (David Licauco) na nagcheat nang makipaglandian ito sa kanyang officemate. Aksidenteng binuking ni Heart ang panlolokong ginawa ni Cors kaya na-call off ang kanilang wedding.

Siguradong in the next episodes ay gagawing impyerno ni Cors ang buhay ni Heart!

 

Ayon sa mga netizens na nanonood ng feel-good series na ito, bet na bet nila ang transition ni Barbie na sosyalera at nilalabas ang kanyang ‘maldita’ side. Sabi pa nga ng ilan, nakikita nila ang versatility nina Angelika dela Cruz at Sunshine Dizon sa dalaga.

Hanggang ngayon ay wala pang balita kung ano ang magiging next project ni Barbie sa Kapuso network. Baka naman oras na rin para mag-take ng risk ang GMA at bigyan na ito ng mas matured na bida-kontrabida series. Sana lang mapantayan ng kanyang next leading man ang kanyang acting capabilities.