Malat ang boses at nahirapang bumirit
Regine Velasquez, ‘di tinapos ang sariling concert!

ADVERTISING

<i>Malat ang boses at nahirapang bumirit</i><br> Regine Velasquez, ‘di tinapos ang sariling concert!

<i>Malat ang boses at nahirapang bumirit</i><br> Regine Velasquez, ‘di tinapos ang sariling concert!PINAG-USAPAN SA Startalk ang nakaraang Silver concert ni Regine Velasquez na hindi na niya tinapos dahil sa nagkasakit ito.

Kinukuwento ng mga Startalk staff namin, awang-awa sila kay Regine dahil sa hirap na hirap ito kumanta.

Nawalan ito ng boses nu’ng araw ng concert nu’ng nakaraang Biyernes, dahil sa ilang araw siyang may sakit.

Kuwento ni Ogie Alcasid, maaring nahawa raw ito kay Baby Nate na nagkasakit pagkatapos yata ng birthday party nito.

ADVERTISING

Dagdag pa na aligaga rin si Regine sa pag-asikaso sa birthday party ng anak nila ni Ogie kaya siguro na-stress nang husto.

Pero, sa kabila ng sakit niya, itinuloy pa rin nito ang concert kaya lang namamaos na ito kaya hirap na hirap siyang makabirit.

Sa simula pa lang daw ng concert, malat na ang boses nito na ang buong akala niya, maibabalik din. Pero wala talaga, kaya awang-awa ang mga manonood. At in fairness, hindi siya na-boo o nilayasan.

Talagang nag-stay ang mga manonood at pinapalakpakan ito nang husto para mabigyan ng moral support.

Pati sina Anton Diva, Vice Ganda at John Lapuz ay pinaakyat niya ng stage para mairaos lang ang show.

Pero hirap na hirap talaga kaya hindi na niya tinapos ang concert. Tumuloy ito sa dressing room niya at umiyak na lang daw ito nang umiyak.

Kawawa naman, ‘di ba? Pero dahil mahal siya ng mga tao, hindi siya iniwanan. At bilang pasasalamat nito, na-ngako ang Songbird na magkakaroon ng repeat ng libre.

Sabi niya, hawakan lang ang ticket nila para gamitin ‘yun sa gagawin niyang repeat na free concert.

Pati ang mga guests at sina Maestro Ryan Cayabyab at Raul Mitra ay nangakong tutulong nang libre.

Si Kris Aquino nga na nanood din kasama si Vice Ganda, nangakong susuporta siya para mabuo lang ang free concert na gagawin.

Nangako rin ang SM MOA-Arena na ibibigay nila ang venue nang libre para matuloy lang itong free concert.

Kaya masayang-masaya naman ang lahat dahil mapapanood nila uli si Regine na sana nga okay na okay na siya at hindi na muling magkasakit.

 

ITO PALANG si Baron Geisler, talagang may bi-polar disorder at kasalukuyang nagpapa-treat ito.

Nu’ng nakausap ito ni Ricky Lo para sa Startalk, sinabi niyang dumadaan siya ngayon sa treatment. Pero mabuti at tinutulu-ngan ito ng pamilya niya para tuluyang gumaling.

Tuloy pa rin naman siya sa pagtatrabaho dahil tinatapos nga raw nito ang shooting ng El Presidente at nagti-taping pa yata siya sa Kidlat.

Pero gusto na raw talaga niyang gumaling para hindi na naman siya masangkot sa kung anu-anong gulo.

<i>Malat ang boses at nahirapang bumirit</i><br> Regine Velasquez, ‘di tinapos ang sariling concert!

Hay, naku! Matagal na itong pinagdaanan ni Baron at mabuti na lang binibigyan pa rin ito ng pagkakataong makabawi.

Malaki nga ang pasasalamat niya sa pamil-ya niya at sa manager niyang si Arnold Vegafria dahil all-out ang suporta sa kanya at hindi ito iniwan.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING