MALAKAS! ‘What?’ music video ng SB19 lumagpas ng 1.2 million views sa loob ng 24 oras

MALAKAS na talaga ang P-Pop group na SB19!

Kung sa K-pop ay todo kung makapag-stream ng comeback music videos ang mga fans, mukhang unti-unti na rin itong ina-apply ng Pinoy fans sa mga promising Pinoy Pop or P-Pop groups.

MALAKAS! 'What?' music video ng SB19 lumagpas ng 1.2 million views sa loob ng 24 oras
SB19

Masasabi natin na ang SB19 na ang pinaka-‘sakalam’ o pinakamalakas na grupo ngayon sa Pilipinas dahil wala pang 24 hours ay lumagpas na sa 1.2 million views ang kanilang bagong music video for their latest single na ‘What?‘.

Take note na sa loob lang ng tatlong oras ay nakaabot na ito ng 500,000 views! Bongga lang, ‘diba?

Ang tagumpay na ito ay good sign para sa ating OPM industry. Ibig sabihin, bumabalik na ang interes ng mga fans sa ating mga homegrown performers.

Maganda naman kasi ang mensahe ng ‘What?’ na gustong hiyakatin ang kanilang listeners na maging proud sa kanilang sarili.

Ayon sa press release ng management ng grupo, the new single is a combination of rock, hip-hop, and EDM while its theme centered on “strength, resilience, and most importantly of raising one’s own flag — one’s ‘W[h]at-awat.’”

SB19 lang sakalam! Dapat sana’y may virtual launch event ang grupo para sa magandang milestone sa kanilang karera. Sadly, na-expose ang members sa ilang taong nagpositibo sa Covid-19 kaya kinailangan nilang mag-isolate muna.

Panoorin ang music video ng ‘WHAT?’ and let us know what you think! Congrats Pablo, Stell, Ken, Justin, and Josh!