Makirock n roll sa P-Fest!

ADVERTISING

Makirock n roll sa P-Fest!

Ad-festNAENJOY NYO ba ang summer ngayong taon? Bago nyo ilabas ang inyong mga winter clothes, makipagjamming at mosh pit muna kayo ngayong 27 ng September sa P Fest! Ito ang kauna-unahang Pinoy Music Festival sa UK na gaganapin sa O2 Academy sa Leeds at 28 ng September naman sa London sa Fiction Romford .

 

Finest Workers UK is the organiser behind this upcoming P Fest. Ang Finest Workers UK rin ang nasa likod ng matagumpay na concert ng Eraser Heads sa Apollo Hammersmith theatre noong Abril. Ang nasabing grupo ay pribadong kumpanya na nagspespecialise sa mga promotion ng live entertainment, events at concerts sa buong taon para sa mga Pinoy sa UK.

 

ADVERTISING

Dahil sa ito ang kauna-unahang Pinoy Music Festival, mga sikat na banda at performers sa Pinas ang dadayo sa UK para magconcert. Pinangungunahan ng pianist-singer at song writer na si Kate Torralba na sikat rin sa pagiging fashion designer. Tutugtog ang Sandwich, Pedicab, Squid 9 kung saan miyembro lahat si Raymund Marasigan, ang drummer ng Eraser Heads, Top Junk, na banda naman ng sikat na komedyante na si Tuesday Vargas at ng kanyang asawa na si Coy Placido, The Diegos na hindi lamang sikat sa pagbabanda kung hindi sa pagDDJ at Yano na nagpasikat ng kantang Banal na Aso Santong Kabayo. Bukod sa mga naglalakihang banda ay mapapanood rin ang mga FilBrit o Filipino-British talents sa nasabing concert.

By Joy Mesina


ADVERTISING