Maja Salvador, walang paki kung second choice lang sa bagong serye

ADVERTISING

Maja Salvador, walang paki kung second choice lang sa bagong serye

1 Maja-SalvadorMARAMING NAGSASABI na magiging malakas ang seryeng Bridges of Love na sina Maja Salvador, Jericho Rosales, at Paolo Avelino.

ADVERTISING

Dagdagan pa nina Edu Manzano at Carmina Villaroel.

At kahit na hindi si Maja  ang first choice para sa kanyang role ay hindi importante sa kanya ‘yun.

Ang mahalaga ay siya daw ang final choice.

ADVERTISING

“Ang mahalaga ay napagbubuti ko ang aking trabaho,” sey pa ni Maja.

Abangan sa March 16 ang Bridges of Love, kasama rin ang kaibigan naming si Maureen Mauricio.

 

Star Awards for Movies, sa Linggo na

 

SA SUNDAY na ang 31st Star Awards for Movies. At ang mga magiging host nito ay sina Pops Fernandez, Kim Chiu, Iza Calzado, at Xian Lim.

First time na may magaganap na awards night sa The Theater, Solaire Hotel and Casino.

Magkakaroon ng production number sina Ai-AI delas Alas, Charice, showdown ng magkapatid  na Toni at Alex Gonzaga, at ang The Voice of the Philippines winners sa pangunguna ni Jayson Dy.

Tiyak na isang maninining na naman na gabi ang magaganap.

Kaya naman good luck sa lahat ng winner.

Inaabangan ang isususot na gown ni Ms. Celia Rodriguez dahi nga siya ang napiling Nora Aunor UliranG Artista awardee.

Abangan…

 

Ugaliing makinig sa aming radio programa sa Radyo Inquirer DZIQ 990 AM band, Monday to Friday 3 to 5 PM. Kinig na po…

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

ADVERTISING