Maja Salvador, umatras sa TV commercial kasama sina Gerald Anderson at Matteo Guidicelli

ADVERTISING

Maja Salvador, umatras sa TV commercial kasama sina Gerald Anderson at Matteo Guidicelli

Maja-SalvadorMALAMANG, FAMILIAR na tayo sa TVC na napanonood natin na ang mga bida ay sina Gerald Anderson at Kim Chiu kasama sina Matteo Guidicelli at Jessy Mendola.

TV Commercial ‘yun ng isang kape kung saan originally ay hindi sina Kim at Jessy ang ka-partner ng dalawang binata kundi si Maja Salvador.

Yes, dahil sikat si Maja ngayon after the hit teleserye na The Legal Wife, gusto ng client ng naturang coffee product na pagsamahin sina Gerald at Matteo at siyempre si Maja na hot na hot ngayon.

Sina Kim at Jessy, paningit lang pala tulad sa napag-alaman namin dahil first and foremost priority ng kliyente ay si Maja na paniwala ng kliyente, mas pag-uusapan diumano ang tambalan ng tatlo na makatutulong sa kanilang produkto.

ADVERTISING

Kung maalala pa, si Matteo, naging ex-boyfriend ni Maja na minsang nasangkot kay Coco Martin sa isang suntukan sa Star Magic Ball. Si Gerald naman current “love” ni Maja.

Pero ang aktres ang tumanggi. Ayaw niya, ayon sa source namin. Heard ng nagkuwento sa amin ang linya na binitawan ng aktres: “Ano ako, pagtatawanan ng tao? Masaya na ako kay Ghe (palaway ng boyfriend). ‘Yong kay Matteo, tapos na ‘yun. Masaya na sila ni Sarah (Geronimo).” Pagbibida pa diumano ng dalaga ayon sa kuwento ng source namin.

Ngayong masaya ang estado ng buhay pag-ibig ni Maja, hindi pera-pera lang ang makakatapat sa kagustuhan niya.

Sabi nga ng kausap namin na Star Magic insider, “Very strict si Maja pagdating sa ganyan. Kahit anog work, oks lang daw sa kanya basta ang ayaw lang niya ay gawing katawa-tawa ang personal life niya.

Pero para sa liberated na si Maja, total hindi naman siya insecure sa ibang mga babae na alam niya na love na love siya ni Gerald, okey lang na muling magtambal ang boyfriend niya at si Kim Chiu para sa isang project for Star Cinema. At tulad ng TVC ng kape na dapat sana ay sa kanya, at hindi kina Kim at Jessy.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING