Maja Salvador, tsutugihin na raw sa “Ang Probinsiyano”; nag-last taping na umano dahil sa attitude problem

ADVERTISING

Maja Salvador, tsutugihin na raw sa "Ang Probinsiyano"; nag-last taping na umano dahil sa attitude problem

Maja Salvador
Maja Salvador

Tsika na nag-last taping day na umano ang aktres na si Maja Salvador sa aksyon serye na “FPJ’s Ang Probinsiyano” last week?

May nakarating kasing balita sa amin na tila umaangal na raw ang production staffs sa attitude nitong si Majs na nagbibigay sa kanila ng problema.

In short, kahit magaling ang aktres sa role niya as policewoman na kapartner ni Cardo sa pagpuksa ng mga masaasamang elemento sa istorya, hindi na raw keri ng staffs ang klase ng pakikisama ng aktres sa kanila at ang “prima donna” attitude nito sa set.

Kung sakaling pumutok ang balita na pinatay na ang karakter ni Majs sa serye, then may basehan nga ang kuwentong ito.

ADVERTISING

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING