Maja Salvador, tinapatan si Ellen Adarna sa mga love scene sa movie

Maja Salvador, tinapatan si Ellen Adarna sa mga love scene sa movie

Maja-SalvadorHINDI NAGPAHULI si Maja Salvador sa sexy star na si Ellen Adarna sa mga love scene sa pelikulang You’re Still The One ng Star Cinema and Regal Films na showing na sa May 27 under the direction of Chris Martinez.

Kung may eksena si Ellen na nananaginip habang nakikipag-lovemaking kay Dennis Trillo, may mga eksena naman si Maja kasama ang aktor na maiinit din sa iba’t ibang parte ng bahay. Bukod dito, may bed scene din si Maja with Richard Yap.

“Lumevel ako kay Ellen. Tinapatan ko siya! Hahaha!” pabirong pahayag ni Maja. Pero aminado ang aktres na itong role niya sa You’re Still The One ang pinaka-daring na nagawa niya.

“Pinaka ko na talaga ito. Pero wala naman akong regrets. May tiwala naman ako sa direktor ko. Buong-buo kong ibinigay ang sarili ko sa role ni Elise, and I’m proud to say na nagawa ko ito nang maayos,” sabi pa niya.

Bukod nga pala sa You’re Still The One, regular ding napanonood si Maja sa series na Bridges of Love with Jericho Rosales and Paulo Avelino. Busy rin siya sa promo ng second album niya under Ivory Music na Maja In Love ang title.

La Boka
by Leo Bukas