Maja Salvador, tanggal ang mood swing ‘pag ‘meron’ sa ngiti lang ni Gerald Anderson

ADVERTISING

Maja Salvador, tanggal ang mood swing ‘pag ‘meron’ sa ngiti lang ni Gerald Anderson

Maja-SalvadorANG ALAM ko, either regular or irregular lang ang menstration ng babae. Pero dahil napaka-scientific, mabuti na rin at ang bagonG endorser ng Sisters sanitary napkin na si Maja Salvador, naipaliwanag sa akin na iba’t ibang klase pala ang menstruation.

ADVERTISING

Sa kaso niya bilang babae, irregular ang monthly period niya. Sa unang pagkakataon na na laman niya na hindi pala maka-classify na ordinaryong kaso lang ng menstruation ang sa kanya, nagkusa na mismo siya na makipag-appointment sa kanyang doctor para malaman kung ano talaga ang problema niya.

Kasi naman, isa sa mga hassle ng pagigig babae ay ang monthly period nila. Kung ang iba, it will take them three days para matapos ang monthly period nila (na mostly, alam nila kung kailan darating ito), ang kay Maja ay iba.

Kung ang babae, may mga moods swing lalo na kapag dinaratnan, ang sa aktres ay malala at inaabot pa ng halos dalawang linggo on different day of the month. Kaya nga practical sa aktres na kapag may monthly period siya, bukod sa kanyang mga mood swings na ngiti lang ni Gerald Anderson ang makita niya kapag wala siya sa mood ay nagpapa-okey sa pakiramdam niya.

ADVERTISING

Sa ngayon na very open na si Maja sa kanila ng boyfriend na si Gerald, anything about the young actor ay keri na niyang sagutin. Imagine, pati sa kanyang masamang pakiramdam tuwing dinaratnan siya si Gerald lang ang sagot. Ang smile lang ng binata sa kanya at lambing ay sapat na.

Romantic, ‘di ba?

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING