Maja Salvador, tablado agad kay Kim Chiu

ADVERTISING

Maja Salvador, tablado agad kay Kim Chiu

Maja-Salvador-KimChiuTABLADO KAAGAD si Maja Salvador kay Kim Chiu.

Nagpahiwatig kasi si Maja na gusto na niyang makipagbati kay Kim para matapos na ang gusot sa pagitan nila. After all, it’s been around two years na yata ang kanilang alitan all because of Gerald Anderson, dating boyfriend ni Kim na napunta kay Maja.

In her recent interview for the promotion of her album ay natanong yata ang Maja kung ano na ang plano niya para wakasan na ang away nila ni Kim. She said na baka magulat na lang daw ang mga tao kapag nalaman nilang bati na sila. She was that open to the reconciliation between her and Kim.

Sadly, sinupalpal kaagad ni Kim ang sinabi ni Maja when she tweeted, “cge lang “promo” “promo” din pag may time”.

ADVERTISING

Ang feeling siguro ni Kim ay nagagamit siya sa album promo ni Maja.

Ang nakakaloka lang, kaagad na binura ni Kim ang mensahe niyang iyon. Siguro ay may nag-utos sa kanyang i-delete iyon dahil hindi maganda sa kanyang image. Parang ang dating kasi niya ay walang kapatawaran ang ginawang katrayduran ni Maja sa kanya.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING