Maja Salvador, ratsada sa promo ng kanyang second album

ADVERTISING

Maja Salvador, ratsada sa promo ng kanyang second album

Maja-SalvadorRATSADA TALAGA si Maja Salvador para sa promo ng kanyang second album sa Ivory Music na Maja In Love. Kahapon (July 19) ay nasa Iloilo siya para sa Maja In Love Nationwide Tour.

ADVERTISING

Suportado ng Sisters Sanitary Napkin ni Aileen Go ang lahat ng promo tour ng album ni Maja, dahil ang aktres ang kanilang endorser. Present din ang entourage ng Sisters sa Robinson’s Place Antique kahapon.

Pagbalik ng Manila ni Maja, diretso naman agad siya sa taping ng high-rated seryeng Bridges of Love, kung saan ginagampanan niya ang karakter ni Mia na parehong kinababaliwan ng mga karakter nina Jericho Rosales at Paulo Avelino.

Three weeks na lang at matatapos na ang Bridges of Love at very thankful si Maja sa pagtanggap ng tao sa kanilang teleserye at sa mga pumupuri sa acting niya sa serye.

ADVERTISING

“Masaya po ako na tinanggap nila si Mia at pinatuloy sa kanilang mga tahanan. Sana po ay tutukan pa nila ang huling tatlong linggo ng Bridges of Love,” sey pa ng magaling na aktres.

Samantala, wish ng mga supporters ni Maja na bigyan siya kaagad ng susunod na project ng ABS-CBN. But while waiting, tiyak na tututukan muna ni Maja ang provincial tour ng Maja In Love at Sisters.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING