Maja Salvador, pinangatawanan ang ‘di pagpo-promote sa pelikula nila ni Sen. Jinggoy Estrada

ADVERTISING

Maja Salvador, pinangatawanan ang 'di pagpo-promote sa pelikula nila ni Sen. Jinggoy Estrada

Maja Salvador
Maja Salvador

Nagtampo ang pamilya ni Sen. Jinggoy Estrada sa aktres na si Maja Salvador, dahil sa hindi nito pagtulong sa promotion ng pelikulang “Tatay Kong Sexy”.

Ang rason ng kampo ni Maja Salvador, super loaded ang kanyang taping schedules na maging Sunday ay tuloy pa rin ang pagte-taping niya para sa “Ang Probinsiyano” na halos araw-araw ang trabaho niya, dahil isa sa major stars ng action-serye ang dalaga.

Maging si Sen. Jinggoy, personal na nagtatanong sa kanyang mga staff kung si Maja nga raw ay tumutulong sa promo ng pelikula nila, habang ang senador naman ay walang magawa dahil nakakulong nga ito sa Camp Crame.

Sa premiere night ng pelikula na isinagawa lang last Monday sa SM Manila, all out ang pamilya ni Sen. Jinggoy Estrada, pero walang anino ni Maja sa naturang event.

ADVERTISING

Himutok ng mga taga-produksyon: “Naisip man lang sana ni Mam Maja na nang gawin niya ang movie almost three years ago, nagtiwala sa kanya si Sen. Jinggoy kahit hindi pa siya isang malaking artista nu’n.”

Sa katunayan, kahit busy man si Maja sa kanyang commitments sa Kapamilya Network, hindi man lang daw ito tumulong sa kanyang social media accounts – Instagram, Facebook, and Twitter – na mabanggit ang pelikula niya at mag-invite sa kanyang mga tagahanga and supporters para mapanood nila ang kanyang movie with the senator.

“Para naging maramot si Mam Maja sa konting tulong niya para sa pelikula,” sabi ng isang production insider.

Nanghihinayang kami sa pelikula na ang galing pa naman ni Maja sa movie where she plays the role of an all-around girl na lahat ng trabaho ay papasukin para lang kumita at may maipangtustos sa kanyang alagang pamangkin.

In fairness, magaling ang aktres sa movie na baka p’wede nga siyang i-nominate ng mga sampu-samperang award-giving bodies.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING