Maja Salvador, muling pinatunayan na siya ang reyna ng dance floor sa kanyang ‘NUNA NUNA’ dance cover

NAPAPANOOD gabi-gabi si Maja Salvador sa Niña Niño ang nag-iisang Her Majasty na si Maja Salvador, pero aminin ninyo – namimiss niyo rin ang kanyang paggiling!

Dahil maraming fans na ang nakakamiss sa pag-indak ng aktres na madalas niyang gawin noong regular host pa siya sa ASAP, pinagbigyan nito ang ultimate request na magcover ng isang Kpop dance track. Ang napili ni Maja ay ang hit single na ‘Nuna Nuna’ ng hiphop sensation na si Jessi.

Directed by her very good friend Thou Reyes, muling pinatunayan ni Maja na siya pa rin ang nag-iisang Dance Princess ng Pilipinas. Maja still got the moves, yo! Ang nakakaaliw pa ay napansin mismo ni Jessi ang dance cover ni Maja kaya siguradong mas gaganahan ito na gumawa pa ng maraming KPop dance covers.

 

Hmmm… what about a new song ulit? Miss na namin ang ‘Dahan-Dahan’ at ‘Halika Na’!
Kung love mo si Maja, si Jessi o gusto mo lang ng pampagana para makapag-exercise ka ng mabuti, maki-Nuna-Nuna na with Maja!