Maja Salvador, non-showbiz ang bagong boyfriend! – Alex Brosas

ADVERTISING

Maja Salvador, non-showbiz ang bagong boyfriend! - Alex BrosasNEW YEAR, NEW boyfriend. ‘Yan daw ang drama ngayon ni Maja Salvador.

May bago na raw kasing dyowa ang young star at isa itong non-showbiz guy. Ang name ng guy ay Rambo Nuñez, anak ng dating staff ni Richard Gomez na si Marilen Nuñez.

ADVERTISING

Through a common friend ay nagkakilala raw ang dalawa. Hanggang sa nanligaw na nga raw ang binata sa dalaga.

Kinikilig pa raw na inamin ni Maja sa isang kaibigan ang relasyon niya sa kanyang bagong dyowa, pero pinakiusapan daw nito ang friend niya na huwag ipagkalat ang kanyang pag-amin. Nagulat pa nga raw ang dalaga nang malaman ito ng kanyang friend. Amazed na amazed nga raw si Maja kung paanong nalaman ng kanyang friend na may bago na siyang BF.

Anyway, talaga palang hiniwalayan na ni Maja si Carlo Aquino na matagal na rin naman niyang naging dyowa.

ADVERTISING

Ang isa pang tsika, may isa ring non-showbiz guy na nanligaw rin daw kay Maja. Isa raw itong dentist na madalas na magpadala ng pagkain sa dalaga during the shooting of Shake, Rattle & Roll. Panay raw ang padala ng food ng dentist kaya naman puno palagi ng pagkain ang dressing room ni Maja. Ang madalas nga raw na request ng dalaga ay Lapid’s chicharon dahil iyon ang kanyang favorite.

Three months palang mawawala sa bansa si Akihiro Sato.

Sa Brazil kasi nag-spend ng Christmas season ang Brazilian model para makapiling ang kanyang pamilya roon. Matagal din naman kasi siyang hindi nakauwi kaya sinusulit niya ang ilang buwan niyang pananatili sa bansa.

Ang nakarating sa aming tsika, may girlfriend daw na iniwan si Akihiro sa Brazil. Hindi naman sila nagkaroon ng formal break-up nang mag-decide siyang mag-model sa Asia hanggang sa maging artista nga siya rito sa Pilipinas.

Naku, hindi kaya balikan ni Akihiro ang kanyang ex-girlfriend?

Isa pang naka-move on na ay itong si Pauleen Luna.

In fact, inamin niya sa isang interview na she’s now dating. This was when she was asked about her reaction sa tsikang nakitang may ka-date na babae ang ex-boyfriend niyang si Valenzuela Mayor Sherwin Gatchalian.

“Okay lang ‘yon. Maganda nga na naka-move on na kami. Puwede na naman talaga siyang makipag-date sa ibang babae,” say ni Pauleen.

Maging si Pauleen ay aminado naman na lumalabas-labas siya kasama ang bago niyang suitor sa ngayon. Ang balita namin, isa sa anak ni PAGCOR Chairman Efraim Genuino ang dine-date ngayon ni Pauleen.

With this, talagang masasabi naming naka-move on na rin talaga si Pauleen mula sa naunsiyaming pag-ibig kay Dennis Trillo na bigla na lang siyang kinalasan matapos ang dalawang buwang pagiging magdyowa.

HINDI MAN TUWIRANG inamin ay split na talaga sina Shaina Magdayao at John Prats.

Ibinuking ni Kris na nakausap niya si Shaina at inamin nito sa kanya na wala na nga sila ni John. More than two years ding tumagal ang kanilang relasyon.

Sabi nga raw ni Shaina, hindi pa rin niya natatanggal ang mga photo ni John sa kanilang bahay. Maging sa kanyang Blackberry ay naroon pa rin ang photo nila ng aktor.

Si John ang bale second boyfriend ni Shaina sa showbiz. Her first boyfriend was Rayver Cruz.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING