Maja Salvador, natulala at naiyak Coco Martin at Matteo Guidicelli, nag-upakan!

ADVERTISING

Maja Salvador, natulala at naiyak Coco Martin at Matteo Guidicelli, nag-upakan!

Maja Salvador, natulala at naiyak Coco Martin at Matteo Guidicelli, nag-upakan!

ADVERTISING

MAINIT NA PINAG-UUSAPAN ngayon ang suntukang Coco Martin at Matteo Guidicelli sa nakaraang Star Magic Ball na ginanap sa Manila Peninsula last Saturday night.

Isa itong patunay na kahit pa sa isang pormal na event, ang away, ang init ng ulo, ang pikunan, ang pisikalan ay hindi maiiwasan kahit pa naka-coat and tie ka na sumisimbolo ng kapormalan.

Anyway, masyado na ka-ming pormal, hahaha!

ADVERTISING

So ‘yun nga. Ang sabi, pareho nang nakainom sina Coco at Matteo kaya kahit pa ang image nila sa atin ay sobrang bait sa personal, pero ‘pag me ispiritu na ng alak sa katawan, hindi na alam ng may katawan kung ano na ang nagiging ugali niya o ginagawa niya.

Nangyari sa Salon de Ning sa Manila Pen din ang eksena, “Wala pang 11pm, dumating na si Coco kasama ‘yung ibang taga-ABS-CBN sa Salon de Ning,” simulang kuwento ng aming source.

“They reserved the biggest area there. Tapos, isa-isa nang nagdadatingan ang mga artista. I saw Matteo, sumilip, then umalis. Pagbalik niya, he joined Coco’s group at exactly 1:10am.

“Papunta si Coco sa main door ng Salon de Ning, tapos, biglang sumugod si Matteo, tapos, nagsuntukan na sila. Ang daming umawat. Inilayo na si Coco, pero si Matteo, gusto pa ring sumugod, pa’no kasi, naunahan siya ng suntok ni Coco, kaya gigil na gigil si Matteo.

Maja Salvador, natulala at naiyak Coco Martin at Matteo Guidicelli, nag-upakan!

“’Yung isa nga du’n, narinig ko pa, ‘Naku, pa’no ngayon magte-taping ng My Binondo Girl si Matteo, me pasa sa mukha?”

 

PAGKATAPOS MAHIMASMASAN, SI Coco, naroon sa venue at si Matteo ay iniakyat naman sa kuwarto nito sa Manila Pen. Isa-isang ina-approach daw ni Coco ang mga nakasaksing ka-kilala sa pagpapambuno nila sa floor ni Matteo.

“Pasensiya ka na, ate, ha? Nahihiya tuloy ako. Baka pangit na ang image ko sa ‘yo, ha? Hindi talaga maiiwasan, eh! Sorry talaga, ate, ha?”

Na ang nakakalokah pa, mas nainlab kay Coco ang ilang girls from production department ng ABS-CBN na um-attend sa event. “Juice ko, ang sarap palang maging boyfriend niyang si Coco, mare,” kinikilig pang sey nito sa amin.

“Juice ko, ‘Day, walang inuurungang laban. Parang secure na secure ang feeling. Tapos, makakarinig ka pa ng, ‘Pasensiya ka na, ha? Baka pangit na ang image ko sa ‘yo sa nangyari.’

“Sabi ko nga sa kanya, ‘Juice ko, wala kang dapat i-explain, Coco. Basta mahal na kita!”

Me ganu’n talaga?

 

NGA PALA, NAG-TRENDING in the Philippines at #1 ang #StarMagicBall, dahil kahit wala ang mga fans doon at nagkakasya na lang sa Twitter ay nakakabalita pa rin ang mga Twitter followers.

Real time talaga ang pagbabalita. At nakatulong para mag-number one ang #StarMagicBall ang engkuwentro nina Coco at Matteo.

Honestly, pareho naming mahal ang dalawang ito, dahil si Coco ay aming kumpare, dahil inaanak niya ang anak kong bunso at inaanak din namin ang anak nila ni Kathe-rine Luna.

Si Matteo naman ay laging may mainit na pagbati at ngiti sa amin everytime magkikita kami. Kaya I hope, magkaayos na ang dalawang ito.

Alam naming isa sa dahilan ng engkuwentrong ito si Maja Salvador na ang sinasabi nga ng mga Twitter follower ay ang haba-haba ng hair ng lola n’yo. Mula Manila Pen, abot hanggang Edsa.

But seriously, tulala pa rin si Maja sa nangyari. Iiyak, maya-maya, tatahimik, tapos, iiyak na naman, tapos, mananahimik.  Gano’n lang siya.

Basta hindi para kami ay kumampi kahit kanino. Dahil kampihan mo diyan ang isa, ‘pag nagkabati ‘yan, sila, okay na, pero ikaw ang magkakaroon ng kagalit.

I love them all. ‘Yun lang.

 

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING