Maja Salvador, nakuha muli ang dating endorsement

Maja Salvador, nakuha muli ang dating endorsement

Maja-SalvadorMULING KINUHA para maging image model ng Sisters Sanitary Napkin ang ABS-CBN Prime Artist at mahusay na singer/actress/dancer na si Maja Salvador for 18 months.
Dati na raw endorser ng nasabing sanitary napkin si Maja bago ito pinalitan ni Erich Gonzales. At ngayong 2015, balik Sisters si Maja at ayon sa pamunuan ng nasabing sanitary napkin, bagay na bagay raw si Maja sa kanilang marketing strategy para sa kanilang produkto.
Bukod daw rito ang pagiging mabait at magaang katrabaho ni Maja. kaya naman daw ngayong Year of the Wooden Sheep ay magiging busy si Maja sa promotion ng produkto, kung saan lilibutin nito ang buong Pilipinas. Bukod pa rito ang lalabas niyang TV commercial at billboards.

John’s Point
by John Fontanilla