Maja Salvador, nakaiintriga ang role sa bagong serye

Maja Salvador, nakaiintriga ang role sa bagong serye

Maja-SalvadorMUKHANG INTRIGUING ang role ni Maja Salvador sa bagong teleserye ng ABS-CBN na Bridges of Love na posibleng magsimula na sa March. Sa teaser, umiiyak na sumasayaw si Maja sa isang night club na parang agogo dancer. Ibang-iba ito sa naging role noon ni Maja sa Ina, Kapatid, Anak at The Legal Wife.

Sa previous interview namin kay Maja, nasabi niya na natsa-challenge siya sa kahit anong role na ibinibigay sa kanya. “Lahat naman challenging for me. Wala kasing role na madali, eh. Dapat laging pinaghahandaan,” sey pa niya.

Two equually good actors ang makakasama ni Maja sa Bridges of Love and they are Jericho Rosales and Paulo Avelino. Si Xian Lim ang nasa original cast noon pero pinalitan siya ni Paulo. Sey ni Xian, mas bagay kay Paulo ang role kaya tanggap niyang pinalitan siya nito.

Anyway, first time ni Maja to work with Paulo. Second time naman niya with Jericho dahil nagkasama sila sa The Legal Wife. Kasama nila sa The Legal Wife si Angel Locsin na busy ngayon sa paghahanda para sa remake ng Darna sa Star Cinema.

La Boka
by Leo Bukas