Maja Salvador, nagsalita sa dahilan ng paglipat sa TV5

ADVERTISING
Leo Bukas

NAGING maayos ang pagpapaalam ni Maja Salvador sa mga ABS-CBN bosses bago siya lumipat sa TV5 para gumawa ng isang musical variety show titled Sunday Noontime Live na mapapanood simula October 18.

Ang Sunday Noontime Live ay produced ng Brightlight Productions. Kasama ni Maja sa programa na ididirek ni Mr. Johnny Manahan (Mr. M) ang ilang Kapamilya stars na sina Piolo Pascual, Catriona Gray Jake Ejercito at Donnie Pangilinan.

ADVERTISING
Maja Salvador, nagsalita sa dahilan ng paglipat sa TV5
Maja Salvador

Ayon kay Maja, kahit nasa TV5 na siya ay mananatili siyang grateful sa kanyang ASAP family na naging dahilan para mahubog ang galing niya sa pagsasayaw.

“I will always be grateful, like hindi po ako makikilala sa pagsasayaw, hindi ako magiging Maja Salvador kung hindi po dahil sa ASAP,” pahayag ng aktres.

“For 17 years, wala akong ibang ginawa every Sunday kundi sumayaw nang sumayaw at forever ko po yung babaunin, forever grateful po ako.

ADVERTISING

“But for the meantime, since ang ating tatay, si Mr. M po ay talagang naglambing, kailangan po siyang samahan. Parang hindi ako makatanggi kay Mr. M, lalo na via Zoom, sinabi niya na, ‘Maja, kailangan kita.’ So, how can I say no to him?” paliwanag niya sa totoong dahilan ng paglipat niya ng TV network.

When asked kung may regret ba siya sa kanyang naging desisyon lalo pa ngayong unti-unti nang bumabalik sa free TV ang ABS-CBN, ang sagot niya ay wala naman daw.

“Ang masasabi ko lang is I’m very grateful and blessed na may Brightlights and thankful ako rin kay Mr. M (Johnny Manahan) for trusting po in me.

“Regrets? Siguro magkakaroon po ako ng regrets kung sarili ko lang yung inisip ko. Isang malaking bagay po na nagpa-oo sa akin ay yung makakatulong po ako ng aking mga Kapamilya na nawalan ng trabaho,” paliwanag ng aktres.

Aware si  Maja na talang hindi maiiwasan ang comparison sa dati at bagong programa niyang gagawin.

“But at the end of the day, nandu’n yung iisa lang yung goal namin, ang mag-entertain at ang magpasaya. Dahil sa panahon po ng pandemya, yon ang kailangan natin – ang magkaisa.

“Di ba, maganda po na marami silang choices ng panonoorin para ma-entertain sila at yon po yung pinaka-goal naming lahat — ang magbigay ng happiness at i-entertain sila,” lahad pa niya.

ADVERTISING