Maja Salvador, nag-iiyak nang i-record ang isang kanta sa kanyang second album?

Maja Salvador, nag-iiyak nang i-record ang isang kanta sa kanyang second album?

Maja-SalvadorNAG-IIYAK DAW si Maja Salvador while recording a cut from her second album. Natigil daw ang kanyang recording dahil iyak nang iyak ang singer-actress. Apparently, masyado daw siyang naapektuhan sa isang kanta niya sa album at bigla niyang naalala ang break-up nila ni Gerald Anderson.

Well, that’s according to a blind item by a popular website where all the clues point to Maja.

Kung true na nag-iiyak si Maja all because of her break-up with Gerald, siguro naman ay naka-move on na ang dalaga.

Kahit na ano kasing paglulupasay ang gawin niya ay hindi na siya babalikan ni Gerald. Hanap na lang siya ng iba. Marami namang ibang guy riyan. Actually, karma na rin sa kanya ‘yon, dahil minsa’y nagkasuntukan pa sina Coco Martin at Matteo Guidicelli dahil sa kanya during a Star Magic Ball event.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas