Maja Salvador, may ibubuga rin sa comedy

Maja Salvador, may ibubuga rin sa comedy

Maja Salvador
Maja Salvador

First time naming nakita na mag-comedy si Maja Salvador sa pelikulang “Tatay Kong Sexy” na pinagbibidhan ni Sen. Jinggoy Estrada. Kuwela ang tandem nila ni Jinggoy Estrada at hindi pinilit ni Direk Joey Reyes na magkaroon sila ng love angle sa pelikula.

Sayang at wala si Maja Salvador sa preview ng pelikula. Sana ay narinig niya ang mga papuri ng ilang press people na nakapanood at gusto siyang i-congratulate sa kanyang performance. She’s really good bilang isang talakerang fixer sa city hall na kahit si Jinggoy ay tinatalakan.

Sabi nga ng isang veteran entertainment writer, “Hindi lang pala sa drama mahusay si Maja, magaling din pala siyang mag-comedy. Naalala ko sa kanya si Maricel Soriano sa acting niya.”

Two years na palang tapos ang “Tatay Kong Sexy” at ngayong June 1 lang ito ipalalabas in time for Father’s Day. Nasa cast din ng pelikula si Empress Schuck na during the shoot of the movie ay hindi pa nabubuntis at wala pang anak. Part din ng movie si Mark Gil na namayapa na. Introducing naman sa movie ang anak ni Jinggoy na si Jolo Estrada.

Sa totoo lang, maganda ang pagkakagawa ng pelikula kahit simple lang ang istorya nito tungkol sa isang biyudong tatay na may pagka-istrikto, pero handang itaguyod ang kanyang mga anak. May puso ang pelikula and very well-acted ito ng cast.

La Boka
by Leo Bukas