Maja Salvador, masaya sa balik-tambalan nina Kim Chiu at Gerald Anderson

ADVERTISING

Maja Salvador, masaya sa balik-tambalan nina Kim Chiu at Gerald Anderson

Maja-SalvadorIMBES NA ikainis ni Maja Salvador ang muling pagtatambal nina Gerald Anderson at Kim Chiu, natuwa pa ito. Mismong ang actor ang nagsabi sa kanya na magbabalik-tambalan uli sila sa isang teleserye ng Kapamilya network. Ayon kay Maja, nagkaayos na sila ni Kim, ganu’n Din ang dating mag-dyowa na sina Gerald at Kim.

Naging maganda ang resulta nang minsang nagsama sina Kim at Gerald sa isang commercial. Naging relax na sa isa’t isa, nakapag-uusap na sila nang maayos. Kasi naman pareho na silang naka-move on, may kanya-kanya na silang buhay na tinatahak. Maging si Kim ay ibinaon na sa limot ang nangyari sa kanila ni Gerald. May Xian Lim na ngayon ang dalaga na palaging naka-support sa kanya.Pawang box-office success ang kanilang mga pelikula. ‘Ika nga, perfect sila together as loveteam.

Sabi nga ni Maja, “Maging positive na lang tayo in life. Kung may nagawa kang pagkakamali, dapat magpakumbaba ka at mag-sorry kahit hindi mo sinasadyang may masagasaan ka. I’m happy na balik-tambalan sina Kim at Gerald. Palagi kong sinasabi, ako ang unang matutuwa kung magtatambal uli sina Kim at Gerald. Marami silang followers na hanggang ngayon naka-suporta sa kanilang dalawa,” say ng actress.

Naramdaman namin ang sincerity ni Maja sa kanyang sinabi. Malaki na nga ang ipinagbago ng dalaga, happy sa relationship nila ni Gerald. “Ang importante ‘yung trust ninyo sa isa’t isa. ‘Yun ang pareho ninyong pinanghahawakan. Masasabi kong nag-mature na rin kami pare-pareho kaya’t wala na ‘yung insecurity. Trabaho na lang tayo para walang intriga,” ang natatawa sabi ng dalaga.

ADVERTISING

Kung tatanungin ang status ng relationship nina Maja at Gerald, ayaw nitong pag-usapan.”Sa amin na lang ‘yun para may mystery ‘yung relationship namin ni Gerald. We’re both happy, pareho kaming busy sa work. Kung may time, we go out dating, nagdi-dinner sa labas, ‘yun,” sambit ni Maja.

If ever raw na may mang-intriga sa kanila ni Kim, tatawanan lang daw ito ni Maja. Ngayon pang nagbabalik muli ang friendship nilang dalawa. Ayaw na niyang maulit pa ang nangyari noon. Sayang nga naman kung masisira lang ng intriga ang magandang samahan nina Maja at Kim.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING